Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News 2-Day Seminar/Workshop on Barangay Legislation, Isinagawa

2-Day Seminar/Workshop on Barangay Legislation, Isinagawa

barangay-legislation-seminar-workshopUpang higit na maging pamilyar ang mga Barangay Officials sa barangay legislation, isinagawa ang “2-Day Seminar/Workshop on Barangay Legislation” na pinangunahan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan at nilahukan ng mga Punong Barangay, Kagawad, SK Chairperson, Kalihim at Ingat yaman mula sa apatnapung (40) barangay ng Bayan ng Calaca.

Ang apatnapung (40) barangay ay hinati sa apat na cluster na kung saan ang iskedyul ay ang sumusunod: CLUSTER 1 – September 11-12, 2018 (Poblacion 1, Poblacion 2, Poblacion 3, Poblacion 4, Poblacion 5, Poblacion 6, Bagong Tubig, Lumbang Calzada, Lumbang na Bata, Timbain), CLUSTER 2 – September 13-14, 2018 (Dacanlao, Pantay, Puting Bato East, San Rafael, Quizumbing, Camastilisan, Salong, Puting Bato West, Talisay, Sinisian), CLUSTER 3 – November 13-14, 2018 (Coral ni Lopez, Puting Kahoy, Lumbang na Matanda, Loma, Niyugan, Balimbing, Calantas, Cahil, , Makina, Taklang Anak) at CLUSTER 4 – November 15-16, 2018 (Munting Coral, Coral ni Bacal, Madalunot, Matipok, Dila, Caluangan, Bambang, Tamayo, Bisaya, Baclas).

Ang unang dalawang cluster ay ginanap sa Training Room ng munisipyo, samantalang ang sumunod na dalawang cluster ay sa SB Session Hall ginanap, bunsod ng hindi pagkakatugma ng iskedyul sa naturang bulwagan.

Ang mga naging paksa sa dalawang araw na pag-aaral ay ang a.) Preparation of Notice of Session/Special Session & Agenda; Committee Report & Minutes of Session; at b.) Drafting of and Procedures in the approval of Resolution/Ordinance na tinalakay at ipinaliwanag ni G. Glenmore C. Padua (SB Secretary).

Ang ilang mga ordinansang ipinasa ng Sangguniang Bayan at kasalukuyang umiiral ay isa-isa ring tinalakay at ipinaliwanag ng Kalihim ng Sangguniang Bayan para sa mas epektibong implementasyon nito.

Nagkaroon rin ng pagsusulit sa ikalawang araw ng seminar workshop at ginawaran ng simpleng gantimpala ang mga kalahok na nanguna sa pagsusulit.

Masasabing naging matagumpay ang dalawang araw na pag-aaral ng mga opisyales ng barangay batay sa kanilang mga feedbacks at impressions na ipinahayag kaya inaasahan ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Calaca ang higit na pakikiisa ng barangay sa implementasyon ng mga ordinansa at ang higit na epektibong panunungkulan sa mga barangay.