Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News Passport on Wheels Second Blast

Passport on Wheels Second Blast

passport-on-wheels-2Naging matagumpay ang ikalawang pagsasagawa ng mobile passporting service sa bayan ng Calaca na ginanap sa gusali ng Pamahalaang Bayan noong ika-30 ng buwan ng Oktubre 2018 na nagkaroon ng 851 pre-verified applicants kung saan 807 sa mga ito ang na-processed ang applications ngunit 794 lang ang bilang ng na-approved, 13 ang na-reject, 44 naman ang hindi dumating.

Nabigyan ng pagkakataon ang mga naging tagapakinabang na makakuha at makapag-renew ng passport ng mas mabilis at kunbinyente ayon na rin sa kahilingan ng nakararami na muling magkaroon ng ganitong serbisyo.

Malaki ang pasasalamat ng bayan ng Calaca kay Vice Gov. Nas Ona na siyang naging katuwang ng Lokal na pamahalaan at Department of Foreign Affairs sa matagumpay na passporting service sa bayan ng Calaca.