Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News 50th Birthday ni VG Nas Ona, Ipinagdiwang sa Calaca

50th Birthday ni VG Nas Ona, Ipinagdiwang sa Calaca

vg-nas-ona-birthday 01Buong kagalakang ipinagdiwang ng buong lalawigan ng Batangas ang kaarawan ng ama ng Sangguniang Panlalawigan, Vice Gov. Nas Ona sa kanyang ika-50 taong kaarawan na idinaos sa bayan ng Calaca noong ika-26 ng Oktubre 2018.

Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng banal na misa na kaagad sinundan ng isang masaganang salu-salu kasabay ang programang inihanda para sa Vice Gawa ng Batangas.

Kasamang nagdiwang ni VG Ona ang kanyang maybahay Dra. Marjolyne Sharon V. Ona, ang kanyang kapatid na si Mayor Boogle at mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng Calaca, mga opisyal ng barangay ng Calaca at mamamayang CalaqueƱo. Naging panauhin sa selebrasyon ang mga malalapit na kaibigan, katrabaho at naging kasama sa paglilingkod at mga taga-suporta ng bise gobernador sa buong lalawigan. Dumating din ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga department head ng kapitolyo upang personal na bumati. Naging abala sa okasyon ang mga kawani sa Tanggapan ng Bise-Gobernador.

vg-nas-ona-birthday 02Itinampok ang mga piling mensahe ng pagbati mula sa 50 malalapit na kaibigan, kapamilya, mga katrabaho at nakatrabaho ng bise gobernador na nagdulot ng labis na kasiyahan sa kanyang kaarawan. Pinasigla ang okasyon ng mga awitan at pagtatanghal ng youtube sensation group, J3 at ng acoustic pop singer-songwriter na si Nyoy Volante at iba pang acoustic bands.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng bise gobernador sa inihandang sorpresa ng kanyang pamilya at mga katrabaho at maging sa mainit na pagtanggap sa kanya ng komunidad lalo na sa kanyang pagbabalik upang muling maglingkod sa bayan ng Calaca. Nagtapos ang okasyon sa isang makulay na fireworks na nasaksihan ng komunidad.

Last Updated (Monday, 19 November 2018 09:05)