Get Adobe Flash player
Wednesday, 19th of December 2018
Home INFORMATION News Gusali ng BFP, Pinasinayaan

Gusali ng BFP, Pinasinayaan

bfp-building 01Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang bagong gusali ng Himpilan ng Pamatay Sunog sa Bayan ng Calaca noong ika-8 ng buwan ng Oktubre 2018 sa pangunguna ng nasabing tanggapan na pinamumunuan ni SFO3 Rio G. Balilo (OIC-Municipal Fire Marshal).

Pinangunahan ni Rev. Fr. Joseph Rodem Ramos ang pagbabasbas na sinundan ng maikling programa kung saan itinampok ang mga mensahe mula kina Mayor Sofronio Manuel C. Ona, Vice-Mayor Renante Macalindong, Bureau of Fire Protection Provincial Director, Supt. Damian J. Rejano, Jr. at Bureau of Fire Protection Regional Director, Chief Supt. Jesus P. Fernandez. Dumalo rin sa okasyon ang mga hepe ng Himpilan ng Pamatay Sunog sa mga karatig bayan sa lalawigan.

bfp-building 02Naipatayo ang gusaling ito na nagkakahalaga ng Php 3,828,599.11 mula sa pondo ng Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng adhikaing maisaayos ang mga pangunahing pasilidad ng mga tanggapan ng gobyerno sa nasasakupan at upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo publiko ang mga kawani nito.

Lubos ang pasasalamat ng mga kawani ng nasabing ahensya sa lokal na pamahalaan sa napakaganda at gusaling ipinagkaloob sa kanila.

Last Updated (Tuesday, 30 October 2018 11:25)