Get Adobe Flash player
Tuesday, 20th of November 2018
Home INFORMATION News CALACA, Most Business-Friendly Municipality sa Buong Pilipinas

CALACA, Most Business-Friendly Municipality sa Buong Pilipinas

calaca-most-business-friendly-municipalityMuling ginawaran ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang bayan ng Calaca bilang Most Business-Friendly Municipality 2018 sa buong Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng 44th Philippine Business and Expo na ginanap sa Manila Hotel noong Oktubre 18, 2018 kung saan personal na iginawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang pagkilala.

Nakuha ng bayan ng Calaca ang parangal dahil sa natatanging kakayahan nito na maka-adopt at makagawa ng mga inobasyong kapwa magbibigay ng kapakinabangan sa business community at sa mga mamamayan nito. Nasalamin din sa parangal ang kahusayan ng pamumuno ng lokal na pamahalaan kung kaya’t nakalikha ng good practices lalo na pagdating sa pagha-handle ng mga mamumuhunan sa nasasakupan at nagbunga ng higit na paglaki ng kita ng kabang- yaman ng bayan.

Ang bayan ng Calaca din ang ginawaran ng parehong pagkilala noong nakaraang 2017 at higit pa nitong pinagbubuti ang kakayahan nito para higit pang mapaunlad ang nasasakupan at mapanatili ang titulo bilang Most Business-Friendly Municipality sa buong Pilipinas upang higit pang makaengganyo ng investor dito.

Last Updated (Tuesday, 23 October 2018 13:46)