Get Adobe Flash player
Monday, 17th of December 2018
Home INFORMATION News CALACA, Child-Friendly Municipality

CALACA, Child-Friendly Municipality

calaca-child-friendly-sealSa pangunguna ng DSWD Region IV- A, iginawad ang selyo ng pagkilala sa Bayan ng Calaca bilang Child- Friendly Municipality noong Agosto 20, 2018 sa Quezon Convention City, Lucena City. Ang nasabing pagkilala na iginawad ng rehiyon ay bunga ng pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga miyembro Local Council For the Protection of Children (LCPC) ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca upang masigurong ang bawat karapatan ng bawat isang batang CalaqueƱo ay mapapangalagaan at makakamtan.

Ito rin ay isang pagpapatunay kung gaano kaepektibo ang pagpapatupad ng batas at mga programa ng pamahalaang lokal hinggil sa pangangalaga sa mga kabataan at sinisiguro din nito na ang pamayanan ay ligtas at kaayaaya para sa kanila.

Ang batayang panukat upang makamit ang selyong ito ay base sa ulat at datus ng Municipal Social Welfare ang Development Office (MSWDO) na siyang nangungunang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga bata katuwang ang Municipal Health Office (MHO), Department of Education (DepEd), Office of the Municipal Planning and Development (OMPD) at Municipal Local Government Operations Office( MLGOO). Louie Gutierrez/MSWDO Staff

Last Updated (Tuesday, 23 October 2018 13:46)