Get Adobe Flash player
Sunday, 16th of December 2018
Home INFORMATION News Passport on Wheels sa Calaca

Passport on Wheels sa Calaca

passport-on-wheels 01Umani ng positibong mga komento mula sa mga aplikante ang kauna-unahang pagsasagawa ng Mobile Passporting services sa bayan ng Calaca noong ika-28 ng buwan ng Hulyo taong 2018 kung saan may kabuuang 1,507 applicants ang nabigyang serbisyo at 1,479 ang matagumpay na nakakuha at nakapag-renew ng mga pasaporte.

Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng pamunuan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona sa tanggapan ni Congresswoman Eileen Ermita-Buhain at Department of Foreign Affairs. Sa masikhay na pagpupunyagi ni Gng. Ma. Cristina M. De Los Reyes (MCR/HRMO) katuwang ang mga kawani ng iba’t ibang tanggapan, naging matagumpay ang assessment at online registration ng mga applikante mula sa bayan ng Calaca sa loob ng ilang linggo bago sumapit ang petsa ng personal appearance sa DFA. Naging minimal lang ang error ng mga aplikante na hindi na-approved dahil na rin sa mga mali sa document at requirement na naisumite.

passport-on-wheels 02Naging mabilis ang proseso ng dokumento na tila ba ramdam ng mga aplikante na sila ay nasa DFA office at wala sa munisipyo ng Calaca. Walang mahabang pila at mabilis ang serbisyo wala pang 20 minuto ay natapos na ang isang aplikante. Mas nakatipid pa ng gastos at abala sa pagpoproseso.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang proyekto at maraming taga Calaca ang umaasang masusundan pa ito upang mabigyang pagkakataon ang iba na hindi naka-avail ng serbisyo.

Malaki ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan kay Congw. Ermita sa napakagandang programang ito na malaki ang naitulong sa mga mamamayang Calaqueño.

Last Updated (Thursday, 30 August 2018 12:54)