Get Adobe Flash player
Sunday, 23rd of September 2018
Home INFORMATION News Php28M Inilaan sa Programang Gamit Mo, Sagot Ko

Php28M Inilaan sa Programang Gamit Mo, Sagot Ko

P28M-gamit-mo-sagot-koIpinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca ang mga libreng kagamitang pampaaralan para sa 22,500 mag-aaral mula Day Care hanggang Senior High School sa ilalim ng programang Gamit mo, Sagot Ko School Supplies Distribution noong nakaraang Hulyo 9-19, 2018 na pinangunahan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Renante Macalindong, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at DepEd.

Buong kagalakang tinanggap  ng mga mag-aaral  ang mga bagong gamit kabilang ang mga notebook, papel, gunting, krayola, lapis, ballpen, eraser, iba’t ibang gamit sa arts, ruler, graphing papers, envelope case at payong na kaloob ng lokal na pamahalaan.  Sa taong ito gumastos ang pamunuan ng Php 28,000,000.00 mula sa general fund ng lokal na pamahalaan.

Sa mensahe ng alkalde, kanyang ibinahagi ang kasiyahan at muling naihatid ang programa sa mga mag-aaral ngayong taon. Pinasalamatan niya ang Sangguiang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Macalindong sa pag-apruba ng pondo para sa programa ganun din ang mga kawani ng local government sa masikhay na paglilingkod at ang DepEd na katuwang sa pagpapa-unlad ng kalinangan ng mga mag-aaral. Aniya, ang Gamit Mo Sagot Ko School Supplies Program ay hindi permanente, nakadepende ito sa koleksyon ng munisipyo mula sa buwis na binabayaran ng mga mamamayan at mga kumpanyang nakatirik dito kada taon. Kaugnay nito, hiniling niya na patuloy magdasal ang lahat upang ma-realize ang sapat na pondo para sa mga programang gaya nito.

 Masayang-masaya ang mga mag-aaral sa kanilang bagong mga gamit pampaaralan ganun din ang kanilang pagpapasalamat sa Pamahalaang Bayan sampu ng kanilang mga magulang at guro.