Get Adobe Flash player
Sunday, 23rd of September 2018
Home INFORMATION News 50 Nagtapos sa TESDA Course

50 Nagtapos sa TESDA Course

tesda-course

Kinilala noong Hulyo 27, 2018 ang limampung (50) kabataan mula sa iba’t ibang Barangay ng Calaca sa kanilang pagtatapos nang libreng pagsasanay sa Instrumentation and Control Servicing NCII na nagsimula noong buwan ng Abril hangang Agosto 2018 (2 batches).

Ang pagtatapos ay sinaksihan ng mga halal na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at Mr. Ruel Andiz na siyang nag-represent sa TESDA ganun din ng MSWDO.

Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca sa pamamagitan ng Tangapan ng Pambayang Kagalingan, Paglilingkod at Pagpapaunlad sa Mechatronics Technologies Corporation at Technical Skills Development Authority (TESDA).

Kaugnay rin nito, 98% nang mga nagsanay na kumuha ng assessment para sa National Certificate II ng nasabing kasanayan ay matagumpay na nakapasa at may sapat ng kahandaan sa pagtatrabaho.

Lubos ang pasasalamat ng mga kabataang nagtapos sa pagkakataong ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan sa kanila upang makapagsanay ng libre.

 

Last Updated (Thursday, 23 August 2018 09:25)