Get Adobe Flash player
Sunday, 16th of December 2018
Home INFORMATION News Erpat Celebration

Erpat Celebration

erpat-celebration-2018

Nagpasiklaban ang mga “Wais Kong Tatay“ sa pagluluto, pamamalengke at pagma-make-up  sa pagdiriwang nang  ERPAT Day na isinagawa ng samahan ng mga ERPAT (Empowerment and Reaffirmation of Parental Abilities) sa Calaca sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Pambayang Kagalingan, Paglilingkod at Pagpapaunlad na ginanap noong Hulyo 25, 2018, alas-10 ng umaga, sa Municipal Gymnasium.

Napagtagumpayan  ni Jaymar Tenorio ang titulong  “Mr. Palengke”  mula sa cluster 3, samantalang   sina Nicomedes Marcial ng cluster 2 at Antero Ambalada ng Cluster 1 ang nagkamit ng pangalawa at pangatlong pwesto. Sa larangang ito ang bawat kalahok ay binigyan ng limang daan piso upang sa loob ng isang (1) oras ay sila ay magtungo sa palengke at bumili ng nga kakailanganin ng pamilya na may limang meyembro. Sila ay hinusgahan sa kung gaano kapraktikal at kakumpleto ang kanilang pinamili sa pinakamaiksing panahon.

Samantala sa larangan ng “Luto ni Tatay” ang mga kalahok ay binigyan ng mga sangkap para sa pagluluto ng Pork Kare-Kare at kanin. Sila ay inatasang magluto ng nasabing putahe nang hindi lalampas sa isang oras at kalahati. Nanguna si Norberto Baldovino Jr. ng cluster 3, pinagalawahan ni Pedro Lasheras ng Cluster 5 at si Nicolas Ortiz naman ang pumangatlo.

Umani din ng kasiyahan ang larangan ng “Tatay Kong Beautician” kung saan inayusan ng mga ama ang kanilang mga anak na dalagita na animo ay dadalo sa isang Cocktail Party, nanalo sa patimpalak na ito si Sherwin Perez kasama ang kanyang anak na si Shane Lavina Perez, gayun pa man pumangalawa si Rufino Benedicto kasama ang anak na si Angelica at pumangatlo naman si Allan V. Mendoza at ang kanyang anak na si Sheila Mendoza.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng Php3,000. Php2,000 at Php1,000 ayon sa pagkakasunod-sunod samantalang nakatanggap ng Php500 ang lahat ng hindi nanalo.

Tampok ng selebrasyon ang pagbati at pakikiisa ng Punong Bayan Sofronio Manuel C. Ona sa mga kapwa niya amang Calaqueño. Pinasalamatan niya ang mga ito sa patuloy na pag aalaga, pagtataguyod at pagaaruga sa kanilang mga pamilya.  

Last Updated (Thursday, 23 August 2018 09:27)