Get Adobe Flash player
Wednesday, 15th of August 2018
Home INFORMATION News SK & SB Officials, Nanumpa sa Tungkulin

SK & SB Officials, Nanumpa sa Tungkulin

sk-sb-oathtaking 01Pormal na nanumpa sa tungkulin kay Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang 640 muling nahalal at bagong halal na mga opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan mula sa 40 barangay sa bayan ng Calaca sa ginanap na oath-taking ceremony sa municipal gymnasium noong ika-29 ng Hunyo 2018 na.

Pinasimulan ang okasyon sa pamamagitan ng banal na misa na kaagad sinundan ng programa na kinatapampukan ng mga mensahe mula sa outgoing ABC President Felipe Gatdula, Vice-Mayor Renante Macalindong at Mayor Sofronio Manuel C. Ona.

Sa mensahe ng alkalde, kanyang ipinahayag ang malugod na pagbati sa mga opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan at nag-iwan din siya ng limang (5) hamon sa mga ito. Una na rito ang pagpapanatili ng economic progress sa mga barangay kung saan hiniling niya ang 110 % na suporta ng mga opisyal. Ikalawa, ang pagpapanatili ng peace and order situation na minimithi niyang tanghaling pinakamatahimik na bayan ang Calaca sa buong lalawigan. Hinikayat din niya na boluntaryong magpa-drugtest ang lahat ng SB at SK Officials kagaya ng ginawa ng lahat ng opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan kung saan negatibo ang resulta. Ikatlo ang environmental protection.

sk-sb-oathtaking 02Aniya, bagamat industrial zone ang ilang mga barangay dito top priority pa rin ng kanyang pamunuan pangangalaga sa kapaligiran, hinikayat niya ang mga opisyal na buhayin ang Material Recovery Facility (MRF) sa mga barangay upang mapangalagaan ang kalikasan at para sa pagpapatayo ng sanitary landfill. Ikaapat, ang tamang paggamit ng budget ng barangay kung saan hiniling niyang maipasa agad ang budget ng mga ito upang maisakatuparan ng maaga ang kanilang mga programa sa susunod na taon. Kaugnay nito, nauna na niyang naipahayag na espesyal ang mga SB at SK officials sa buong lalawigan dahil nabibilang sila sa proud municipality of Calaca kung saan isa sa may pinakamalaking budget sa buong lalawigan ngayong taong 2018 na nagkakahalaga ng 540 milyong piso. At ang ikalima at panghuli ang pagpapatupad ng mga ordinansa ng barangay at lokal na pamahalaan. Binigyang-diin din niya na dapat mag-enjoy ang mga opisyal ng barangay habang naghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan dahil masarap sa pakiramdam ang nakakatulong. Ipinaalala din niya na palaging magdasal para sa kabutihan ng kapwa ang mga opisyal.

Narito ang talaan ng mga muling nahalal at bagong halal na opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan:

Barangay

Kapitan ng Barangay

Sangguniang Kabataan Chairperson

Bagong Tubig

Sixto M. Tumbaga

Jonathan C. Malapitan

Baclas

Bernardo S. Casanova

Kate Arianne M. Tumbaga

Balimbing

Cipriano P. Pueblo

Carlo B. Alvarez

Bambang

Cayo R. Ortiz

Evann A. Cabello

Barangay 1 (Poblacion)

Ronald P. Salvacion

Goldwin T. Pastores

Barangay 2 (Poblacion)

Caesar Ryan H. Noche

Shermaine Marie A. Ramos

Barangay 3 (Poblacion)

Manuel B. De Leon

John Rafael B. Alix

Barangay 4 (Poblacion)

Rilio V. Moreno

Monica V. Niturada

Barangay 5 (Poblacion)

Norberto S. Baldovino, Sr.

Kenette B. Apolonia

Barangay 6 (Poblacion)

Allan E. Valencia

Darwin O. Eguia

Bisaya

Valentina E. Gomez

Shayna M. Solo

Cahil

Tommy D. Manalo

Joshua D. Digno

Caluangan

Romulo B. Pascua

Arlene D. Bitang

Calantas

Mario C. Baldrias

Jessica V. Lopez

Camastilisan

Claro Macalindong

Fatima M. Tumbaga

Coral ni Lopez

Antonio B. Bautista

Patrick Jay B. Vergara

Coral ni Bacal

Armando S. Mendoza

Jhon Brian M. Alcaraz

Dacanlao

Alejandro E. Luistro

Patricia Ann D. Del Rosario

Dila

Mario C. Alvarez

Allysa Ashley C. De la Rosa

Loma

Melecio D. Calanog

Jayvee V. Dela Cuesta

Lumbang Calzada

Jamin R. Malabanan

Dan Lord A. Magpantay

Lumbang na Bata

Leonito V. Catibog

John Arvin V. De Villa

Lumbang na Matanda

Bartolome V. Rivera

Francisco M. Dela Cruz

Madalunot

Virgilio M. Manalo

Angelica A. Tenorio

Makina

Celedonia C. Bautista

Martin R. CariƱo

Matipok

Ronelie V. Bitang

Jessabel C. Macatigbac

Munting Coral

Ireneo C. Castillo

Jerome C. Mendoza

Niyugan

Felomino G. Casanova

Jessa M. Siscar

Pantay

Nemecio V. Alvarez

Lindzey B. Endozo

Puting Bato East

Melvin D. Bathan

Jerome M. Barinque

Puting Bato West

Adelino G. Magpile

Nathaniel Vincent M. Bancoro

Puting Kahoy

Eugenio M. Gomez

Catherine H. Manalo

Quisumbing

Eric B. Atajar

Zyrile M. Gatdula

Salong

Virgilio J.Legarte

Jay D. Gaa

San Rafael

Wilfred R. Salva

Melvin D. Nobleza

Sinisian

Generoso D. Garcia

Lemuel A. Atienza

Taklang Anak

Yolanda R. Lirac

Edwin B. Lasheras

Talisay

Alfredo A. Magpile

Mikee M. Araja

Tamayo

Domingo T. Balbacal

Caren V. Landicho

Timbain

Fortunato V. De Los Reyes

Armin D. De Villa

 

 

 

 

 

Last Updated (Wednesday, 11 July 2018 10:05)