Get Adobe Flash player
Tuesday, 20th of November 2018
Home INFORMATION News World Blood Donor Day, Ipinagdiwang ng mga Calaqueño

World Blood Donor Day, Ipinagdiwang ng mga Calaqueño

world-blood-donor-dayNakiisa ang mga mamayang Calaqueño sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day na may temang “Nasa Dugo Mo ang Buhay Ko” na ginanap sa Calaca Municipal Gymnasium, ika-14 nang buwan ng Hunyo taong 2018.

Napagtagumpayan nasabing kaganapan sa pangunguna ng Rural Health Unit-Calaca katuwang ang Philippine Red Cross-Batangas Chapter, Batangas Blood Council, at sa kooperasyon ng Philippine Air Force, BHW, Lunas Kalusugan volunteers, LGU at mga stakeholders.

Sinimulan ang programa ng isang munting panalangin upang mapasalamatan ang Panginoon sa ganitong uri ng pagkakataon. Sinundan ito ng pambungad na pananalita mula kay Dr. Sharon Ona (MHO), Dr. Rosvilinda M. Ozaeta (Provincial Health Officer), Hon. Ma. Vicenta Vidal at ama ng Bayan ng Calaca, Hon. Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona.

Dinaluhan ang nasabing selebrasyon ng mga mamamayang Calaqueño kabilang ang mga nanay, tatay, kabataan at mangilan-ngilang katandaan ang nakiisa sa naturang programa.

Umabot sa 417 bags (unang batch) ang nakolektang dugo sa bloodletting na ‘di kalayuan sa nakaraang taon 2017 na umabot 950 bags (total number collected on three consecutive batches). Sinasabing noong una ay negatibo ang bayan sa ganitong uri ng programa ngunit sa pagkakataong ito, nakapagtala ang mga Calaqueño ng positibo at aktibong pakikiisa kaya naman libre na ang dugo sa pagkakataon ng pangangailangan - Dr. Ozaeta.

Hindi alintana sa mga lumahok ang init ng lugar dahil alam nila na ang ginagawa nilang pag do-donate ng dugo ay maaring makasagip ng marami pang buhay. Lingid din sa kanilang kaalaman na mabuti ang naidudulot nito sa pangagatawan sa dahil napapalitan ang nawalang dugo ng bago at mas malinis na dugo. /Joey De Los Reyes