Get Adobe Flash player
Monday, 24th of September 2018
Home INFORMATION News Pastoral Visit

Pastoral Visit

pastoral-visit 01Isang pambihirang pagkakataon ang pagdaraos ng Pastoral visit sa bayan ng Calaca noong ika-8 ng Hunyo 2018 kung saan nakadaupang palad ng mga taga-Calaca ang arsobispo ng Lipa, Most Rev. Gilbert A. Garcera sa pagdiriwang ng isang misa na ginanap ika-9 ng umaga sa parokya at dambana ni San Rafael Arkanghel. Dumalo sa okasyon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona, SB members at department heads. Dumalo rin ang bise gobernador ng lalawigan, Vice Gawa Nas Ona kasama ang kanyang maybahay Dra. Sharon Ona, mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan officials, mga pinuno ng mga kumpanya at establisyemento sa nasasakupan at iba’t ibang mga samahang pangrelihiyon.

Ang Pastoral visit ay nagaganap lamang kada limang taon ayon sa batas ng simbahan kung saan ang arsobispo ay umiikot sa mga bayan sa nasasakupan upang ipamahagi ang salita ng Diyos at ang kabutihan nito sa mga tao sa pamamagitan ng misa na pinapangunahan ng Obispo.

pastoral-visit 02Isinagawa din ang vicariate pastoral meeting ganap na ika-1 ng hapon na pinangunahan ng arsobispo kung saan kinapalooban ito ng pakikipagpulong ng mga pinuno ng simbahan sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba pang key people sa lipunan kabilang ang mga pulis, sundalo at DepEd upang mapagtalakayan ang ilang mga mahahalagang isyu na may kinalaman sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Nagpaunlak sa pagpupulong sina Congresswoman Eileen Ermita-Buhain (1st District), Mayor Sofronio Manuel C.Ona (Calaca), Mayor Jose Jecerell Cerrado (Tuy), Mayor Peter Oliver M. Palacio (Calatagan) at ang municipal administrator ng bayan ng Lian ganun din sina PNP Regional Director PCSUPT Edward E. Caranza at ang bagong talagang PNP Provincial Director, PSSUPT Edwin A. Quilates kasama ang mga nakatalagang hepe ng kapulisan sa mga bayang sakop ng vicariate 1.

Last Updated (Wednesday, 11 July 2018 09:44)