Get Adobe Flash player
Wednesday, 15th of August 2018
Home INFORMATION News Livelihood Programs, Laan sa 4Ps

Livelihood Programs, Laan sa 4Ps

livelihood-programNabiyayaan ng mga starter kit ang 220 mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Calaca sa ginanap na pamamahagi noong Mayo 30-31, 2018 sa municipal gymnasium na magkatuwang na naisakatuparan sa pag-uugnayan ng MSWDO at Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

Una nang nakatanggap ang 120 kataong 4Ps members ng dressmaking at fish processing starter kits. Kabilang sa mga gamit na ipinamigay ukol sa pananahi ay ang mga tela, karayom at sinulid, drafting papers at bibigyan din sila ng makina na hindi pa nakasama sa ipinamahagi nang araw na iyon. Samantala, mga taga-coastal barangays naman ang nakatanggap ng blender, measuring cups, bottles, steamers at weighing scales.

Sumunod na araw naman ipinamahagi sa 100 katao (2nd batch) ang starter kits para sa pagpoproseso ng kamatis dahil lingid sa kaalaman nang nakararami na ang isa sa pinaka malaking bahagi ng produktong ipinagbibili ng bayan ng Calaca sa merkado ay ang kamatis.

Nakapaloob sa mga starter kit ang mga sumususunod: measuring tools gaya ng Digital weighing scale, measuring cup, glass, spoon at jam bottles. Meron ding ilang kitchen utensils katulad ng spatula, chopping board, ladle, strainer, casserole at marami pang iba.

Ang mga tagapakinabang ay nabigyan din ng sapat na pagsasanay sa dressmaking, fish at tomato processing. Naging kabalikat ng DSWD ang Negoskwela Livelihood & Technology Training Center at Kahariam Realty & Farms, Inc. sa pagkakaloob ng ganitong uri ng pagkakakitaan na naglalayong madagdagan ang kita ng mga tagapakinabang nito.

“Hindi naman masamang sumubok ng kakaiba, baka nadito ang swerte” wika ni Marites Sumbero,isang ina. Lingid din sa kanyang kaalaman ang paghihirap ng mamamayang walang pinagkakakitaan at walang hanap-buhay. Alam niya na kapag namuhunan, magkakaroon ng pagkakataon kumita imbis na nakatambay lamang sa bahay at walang ginagawa.

Ayon kay Czarlette Julongbayan (4Ps municipal link), ang mga natalagang municipal link ng 4Ps sa lugar ang nakatakdang magmonitor sa mga ipinamahaging livelihood program upang matiyak ang epektibo at maayos na pagpapalago ng mga ito. /Joey Delos Reyes (OJT)