Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of June 2018
Home INFORMATION News Municipal Government, Namahagi ng Instructional Materials sa DepEd Calaca

Municipal Government, Namahagi ng Instructional Materials sa DepEd Calaca

instructional-materials-distribution-2018Mahigit dalawang-daang (200) guro na nagmula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bayan ng Calaca ang nabigyan ng kanya-kanyang personal na laptops sa naganap na Turn over Ceremony sa Calaca Central School Gymnasium, ika-apat nang buwan ng Mayo taong 2018 ganap na ika-2:00 ng hapon na pinangunahan ni Mayor Boogle Ona at mga kasamang opisyal ng bayan katuwang si Dr. Anabel R. Marasigan, DepEd District Supervisor.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang 222 pcs. Laptops, 43 pcs. LED TVs at 10,993 copies ng Newsletters na may kabuuang halaga na Php 10,011,560.55 mula sa Special Education Fund (SEF) na naglalayong mas mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral na Calaqueño.

Disyembre ng taong 2017 ipinamahagi ang first batch ng laptops para sa mga guro. Samantala ang LED TVs ay ipinagkaloob sa Calaca Senior High. Bunga nito, ang lahat ng classrooms sa public school sa Calaca District ay mayroong LED TV na ginagamit sa pag-aaral ng mga bata. Samantala ang bawat mga pahayagan ay ipinamahagi sa kanya- kanyang mga author sa bawat paaralan.

Gagamitin sa tama at HINDI lamang sa social media, ang mga kagamitan na iyan ay siyang gagamitin sa pagtuturo ‘di sa pansariling hilig lamang. Ito ay isang paraan para mas maging mabilis at epektibo ang pagpapalaganap ng edukasyon” - Dr. Anabel Rosales Marasigan.

Batid din ng bawat guro ng Bayang ito ang pagiging mapalad nila dahil sa dinami dami ng lugar ‘di lamang sa ating lalawigan, ang mga guro sa Calaca ang nabigyan ng pagkakataong makatanggap ng ganitong uri ng biyaya. /Joey Delos Reyes-OJT

Last Updated (Friday, 01 June 2018 14:30)