Get Adobe Flash player
Tuesday, 20th of November 2018
Home INFORMATION News RPN Cup Season 2 Finals

RPN Cup Season 2 Finals

rpn-cup-2 finals-01Isang masaya ay kapana-panabik na RPN Cup season 2 ang binuksan sa bayan ng Calaca noong nakaraang Enero 16, 2018 na ginanap sa Municipal gymnasium ganap na ika-3 ng hapon na nilahukan ng sampung (10) koponan ng men’s basketball/volleyball at pitong (7) koponan ng women’s volleyball mula sa iba’t ibang departmento ng lokal na pamahalaan at national agencies na nakatalaga sa bayang ito.

Isang parade ang naganap na pinangunahan ni Mayor Boogle Ona kasama ang iba pang halal na opisyal ng bayan at nilahukan ng manlalaro ng lahat ng koponan kasama ang kani-kanilang muses, coaches, managers at supporters. Naging tampok din sa okasyon ang pagrampa ng muses mula sa basketball at volleyball categories. Malakas na hiyawan at tilian bilang suporta ang pumailanlang sa lugar sa pagrampa ng mga muse mula sa bawat koponan na may edad 39 anyos pababa (basketball) at 40 anyos pataas (volleyball). Sa huli nahirang na best muse ang mutya ng DepEd Secondary (basketball) at ang muse ng BFP (volleyball). Kinilala din ang koponan ng Second Floor All Star bilang best in uniform.

rpn-cup-2 finals-02Agad na nagtapatan ang mga koponan ng Ground Floor Defenders at DepEd Secondary sa women’s volleyball na napagtagumpayan ng huli, sinundan ng dalawang magkasunod na games ng basketball sa tunggalian ng Calaca City at ABC na napagwagian ng una at PNP at Second Floor All Star at nakuha ng PNP.

Inabangan ang araw araw na bakbakan ng bawat koponan mula ika-5:30 ng hapon hanggang ika-10 ng gabi na tumagal ng mahigit dalawang buwan at tuluyang nagtapos noong ika-27 ng Marso.

Sa nasabing kumpetisyon nanaig ang sa larong basketball ang Second Floor All Star bilang champion, Team ABC - 1st Runner Up, PNP - 2nd Runner Up at Ground Floor Defenders - 3rd Runner Up. Napanatili ng DepEd Secondary ang kanilang titulo matapos muling makuha ang kampeonato sa Men’s Volleyball na sinundan ng Ground Floor Defenders - 1st Runner Up, Calaca City – 2nd Runner Up at Second Floor All Star- 3rd Runner Up. Hindi rin natinag sa kanilang standing ang mga koponan ng Women’s Volleyball na pareho din noong nakaraang taon kung saan nanaig ang DepEd Elementary bilang Champion, DepEd Secondary – 1st Runner Up, Ground Floor Defenders - 2nd Runner Up at Calaca City – 3rd Runner Up.

rpn-cup-2 finals-03Ang RPN Cup ay isang friendly game na unang binuksan noong Pebrero 2017 upang bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na ipakita ang kanilang husay sa larangan ng basketbol at volleyball ganun din upang ma-develop ang pagkakapatiran sa mga govt employees ng Calaca at ang physical fitness ng mga ito. Ipinangalan ito sa kasalukuyang gumaganap bilang Municipal Administrator Ruperto P. Noche Jr. bilang pagkilala sa kanyang matapat na paglilingkod bilang Pambayang Tagapangasiwa sa loob ng mahabang panahon.

 

 

Last Updated (Wednesday, 16 May 2018 14:38)