Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of June 2018
Home INFORMATION News Carrera de Paso, Kulturang Calaqueño

Carrera de Paso, Kulturang Calaqueño

carrera-de-paso-2018Dumagsa ang mangangarera ng kabayo mula sa Maynila, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga at Bulacan at maging mula sa mga karatig bayan ng Calaca gaya ng Lemery, Nasugbu. Agoncillo at Padre Garcia upang lumahok sa taunang Carrera de Paso sa bayan ng Calaca na isinasagawa tuwing Miyerkules Santo. Ngayong taon, ginanap ito noong ika-28 ng Marso 2018 sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Dacanlao.

Sa nasabing karera ng kabayo, ang lahat ng may-ari ng kabayo na interesadong isali ang kanilang mga kabayo ay kailangang mag-register upang makasali. Mayroong isang lugar na tinatawag na ulutan kung saan isinasagawa ang pagpapares ng dalawang kabayong maglalaban depende sa lahi, laki ng katawan at taas. May isang kabayong nanalo ng Php2000 kada takbo at Php1000 naman para sa mga natalo. Ang bawat nanalo ay maaring magkaroon ng tyansang makasali sa susunod na takbo at makakuha ng karagdagang premyo samantalang ang natalo ay may isa pang pagkakataon na makasali.

Ang tradisyon ay sinasabing  nagsimula  sa bayan ng Calaca  noong 1800 kung saan  nakasanayan na ng mga deboto ni San Raphael Arkanghel mula sa mga karatig lalawigan at kanugnog bayan ang pagsasagawa ng karera ng kabayo tuwing Miyerkules Santo bilang kasiyahan pagkatapos ng banal na misa parangal sa nasabing patron. Matapos ang misa agad na sisimulan ang kasiyahan sa isang malawak na lugar kung saan may ulutan at magkakaroon na ng karera.

Hanggang sa kasalukuyan ay buhay na buhay ang Carrera de Paso bilang pagpapatuloy ng tradisyong Calaqueño at patuloy na tinatangkilik ng mga taong mahilig sumali at manood nito. Ang programa ay nagbubukas din  sa  karagdagang turismo sa bayan ng Calaca.