Get Adobe Flash player
Thursday, 20th of December 2018
Home INFORMATION News Fishing Gears, Kaloob ng BFAR at LGU

Fishing Gears, Kaloob ng BFAR at LGU

fishing-gearsSa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan na pinangunahan ni Mayor Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), 135 na mangingisdang Calaqueño ang napagkalooban ng iba’t ibang kagamitan sa pangingisda sa ginanap na pamamahagi sa Lokal na Pamahalaan ng Calaca noong ika-22 ng Marso, 2018.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang 30 squid jiggers, 25 BSGN (lambat), 20 life vests, 50 hooks & lines, 10 fishing claddings na nagmula sa BFAR, at 16 mini lanterns mula sa lokal na pamahalaan. Ang mga nasabing nabiyayaan ay ang mga rehistradong mangingisda mula sa apat na barangay na kinabibilangan ng mga sumusunod: Salong, Talisay, Quisumbing, at Camastilisan.

Last Updated (Tuesday, 17 April 2018 10:05)