Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of June 2018
Home INFORMATION News Farmers Field School on Sustainable Pig Farming inilunsad

Farmers Field School on Sustainable Pig Farming inilunsad

ffs 01Bilang sagot sa patuloy na pagliit ng kita sa pagbababuyan, naglunsad ng Farmers Field School on Sustainable Pig Farming (FFS-SPF) ang Lokal na Pamahalaan sa pagtutulungan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, Provincial Veterinary Office at ng Agricultural Training Institute (ATI) sa Barangay Madalunot na pormal na simulan noong ika-8 ng Enero, 2018.

Sa pakikipag-ugnayan sa punong barangay ng Madalunot na si G. Virgilio Manalo, ang nasabing programa ay kinabibilangan ng 25 magsasaka mula sa barangay. Kasama ng mga kinatawan mula sa tanggapan, Provincial Veterinary Office, at mga kalahok, ang FFS-SPF ay magpapatuloy sa loob ng 20 linggo.

ffs 02Layunin ng programang ito na maipalaganap sa mga magsasaka ang benepisyo ng natural na pagpapalaki ng kanilang mga alagang baboy. Gayundin ang pagpapalaganap ng wastong pangangalaga, pangangasiwa ng dumi, pabahay, at nutrisyon upang mabawasan ang puhunan at mapalaki ang kita sa pagbababuyan. Itinuturo rin ng programa ang paggawa ng alternatibong pakain at gamot mula sa mga organikong sangkap.

Inaahasang sa pagtatapos na mula sa limang baboy na inalagaan sa ilalim ng programa ay maikumpara ang kalidad ng karne at kita ng conventional sa organic na pagpapalaki ng baboy. Umaasa ang tanggapan na sa hinaharap ay mas maibahagi pa ang programa sa ibang bahagi ng bayan ng Calaca. Engr. John Edward Pacis (Mun. Agri. Office)