Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of June 2018
Home INFORMATION News Renewed Philhealth Membership

Renewed Philhealth Membership

renewed-philhealth-membershipTinipon ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Marjolyne Sharon V. Ona (MHO) katuwang ang Tanggapan ng Philhealth ang 13, 618 Philhealth members mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Calaca upang ipamahagi ang kanilang MDR at Philhealth IDs sa ginanap na magkakahiwalay na pamamahagi ngayong buwang ng Marso 2018 na ginanap sa municipal gymnasium.

Nagsimula ang pamamahagi noong ika-13 hanggang 22 ng Marso kung saan iginrupo ang mga tumanggap upang higit na mapabilis ang pamamahagi. Mula sa kabuuang bilang, 3,750 miyembro ay ini-sponsor ng Lokal na Pamahalaan samantalang 6,439 na miyembro naman ay nakuha ang datus mula sa National Household Targeting System (NHTS) at 3,429 ay mga miyembro ng 4Ps.

Ang Philhealth ay magagamit ng mga nasabing miyembro sa pag-avail ng mga serbisyong pangkalusugan sa buong taong 2018.

Ang programang ito ay patuloy na itinataguyod ng Lokal na Pamahalaan para sa layuning mabigyang ng serbisyong pangkalusugan ang bawat mamamayang Calaqueño.