Get Adobe Flash player
Tuesday, 16th of October 2018
Home INFORMATION News Si Nanay, Ako at Kami Tampok sa Women’s Month Celebration

Si Nanay, Ako at Kami Tampok sa Women’s Month Celebration

womens-month-2018 01Bumida ang galing ng mga kababaihan sa pagkanta at pagsayaw sa ginanap na pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan sa bayan ng Calaca noong ika-9 ng Marso 2018 kung saan itinampok ang temang “Women Work for Change“ na pinangunahan ng Municipal Women Coordinating Council at Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang mga samahan ng kababaihan sa mga barangay.

womens-month-2018 02Sa ginanap na pagdiriwang limang nanay kasama ang kanya-kanyang anak o mga anak ang sumali sa paligsahan sa pagsayaw at anim (6) ang nagpasiklaban sa pagkanta. Tatlong winners ang idineklara ng mga hurado sa dalawang category. Sa larangan ng pagsayaw nakuha ng mag-inang Elizabeth at Shane Marasigan ng Brgy. Coral ni Bacal ang 2nd Runner-up, mommy Vilma at anak na si Maphiel Ferrer ng Poblacion 2 – 1st Runner – up at si Gng. Judilyn Anglo kasama ang mga anak na sina Krisha Ann at Aizel Ann ng Brgy. Bagong Tubig ang tinanghal na kampeon. womens-month-2018 03Sa larangan ng pagkanta, nasungkit ng mag-inang Maricel at Arriane May Suogan ng Brgy. Lumbang Calzada ang 2nd Runner –up, mommt Malou Laurente at anak na si Vanessa Alamag ng Poblacion 5- 1st Runner- up at ang mag-inang Joribel at Crystal Gaa ang tinanghal na kampeon. Ang mga nanalo ay tumanggap ng Php5, 000, Php 7,000 at Php10, 000 cash prizes ayon sa pagkakasunud-sunod, samantala ang mga hindi pinalad ay tumanggap ng tig-tatlong libo piso (Php3, 000) consolation prize.

Nagbigay kasiyahan sa mga kababaihang dumalo ang mga awiting inihandog nina Fatima Lagueras, Chloe Redondo, Mikko Estrada at Emarjhun De Guzman ng The Voice Teens at pinakilig ng actor na si Miko Raval ng ABS-CBN.

womens-month-2018 04Ipinagkaloob din ang financial assistance na nagkakahalaga ng Php137, 000.00 sa 17 kababaihan na may chronic illnesses mula sa iba’t ibang barangay. Ang pondo ay mula sa signature campaign project ng MWCC, nagkaloob din si Mayor Boogle Ona ng Php50, 000.00 bilang pagsuporta sa proyekto.

Magkatuwang na itinaguyod ng MSWDO sa pamumuno ni Gng. Maharani Babasa katuwang ang MWCC na pinamumunuan ni Mayora Catherine F. Ona at sa pagsuporta ng adminstrasyong Ona-Macalindong ang mga programang makatutulong sa kapakanan ng mga kababaihan.

Last Updated (Tuesday, 27 March 2018 10:56)