Get Adobe Flash player
Tuesday, 22nd of May 2018
Home INFORMATION News 50 Pares Ikinasal sa Kasalang Bayan

50 Pares Ikinasal sa Kasalang Bayan

kasalang-bayan-2018 01Romantic at very solemn ang naging pagdaraos ng taunang Kasalang Bayan sa Calaca kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day kung saan 50 pares ang ikinasal ni Mayor Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona na ginanap sa Calaca Municipal hall compound noong  Pebrero 14, 2018 ganap na ika-apat ng hapon.

Damang-dama ang kaligayan ng mga ikinasal sa mala-garden wedding set up na inihanda ng Lokal na Pamahalaang Bayan. Habang ikinakasal ay pumapailanlang ang  mga awiting pag-ibig  handog ng LGU Chorale . Mayroon din silang caterer na naghanda ng hapunan para sa mga bagong kasal at iba pang mga panauhin. Isinagawa din ang tradisyunal na cake cutting, wine toast at releasing of doves.

Ang bawat couple ay may natanggap na regalo mula sa kanilang ninong Mayor Boogle at tatanggap din sila ng wedding portrait handog ng Icable na isa sa mga sponor ng okasyon. Sinagot din lokal na pamahalaan ang wedding bouquets ng mga bride.

kasalang-bayan-2018 02Dumalo sa okasyon si G. Raul Maximo B. Tolentino, Provincial Statistics Officer-PSA Batangas na naghatid ng pagbati sa mga ikinasal at ipinabatid ang kahalagahan ng pagpapakasal. Pinuri din niya ang programa ng lokal ng pamahalaan kung saan kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng mga ikinakasal sa bayang ito kada taon.

Nagwakas ang seremonya ng ikalabing apat taong  Kasalang Bayan sa mensahe ng Punumbayan kung saan binigyang-diin niya ang katagang “ Ang tunay na kaligayahan ng pagsasama ay matatagpuan sa Panginoon”. /MIO Calaca

Last Updated (Tuesday, 20 February 2018 16:22)