Get Adobe Flash player
Thursday, 19th of July 2018
Home INFORMATION News Instructional Materials at Safety Equipment, Kaloob sa mga Eskwelahan

Instructional Materials at Safety Equipment, Kaloob sa mga Eskwelahan

instructional-materials-and-safety-equipmentAbot-tenga ang ngiti ng mga nagsidalong  guro  mula sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa DepEd Calaca matapos ipimahagi ang mga instructional materials at mga safety equipment noong ika-2 ng Pebrero sa DepEd Calaca Calaca District hall ganap na ika-9 ng umaga sa pangunguna ni Mayor Sofronio “Boogle “C. Ona at ng kanyang mga kasamahan sa Sanguniang Bayan. Ayon kay Dr. Anabel Marasigan, District Supervisor, ang iba’t ibang mga kagamitang pangsilid-aralan na handog ng LGU ay nagkakahalaga ng humigit kumulang 12 milyong piso. Nagpasalamat din siya sa 314 first aid kits at 487 fire extinguishers na kasabay na ipinamahagi nang araw na iyon.

Bukod sa mga safety equipment, namahagi din ang pamahalaang lokal ng mga mga airconditioning units, cooking materials at equipment para sa senior high school, instructional materials at mga aklat para sa mga mag-aaral sa grade 3, 4 at 5 at workbooks para sa kinder.

Nagsagawa din ang BFP Calaca sa pangunguna ni SFO3 Rio G. Balilo ng fire drill sa mga teacher upang mabigyan sila ng kaukulang impormasyon sa wastong paggamit ng fire extinguisher.

Layunin ng nasabing turn- over ceremony na lubos na pandayin ang karunungan ng mga kabataan na magsisilbing daan patungo sa kanilang  minimithing mga pangarap. /Ric Benedict Bathan (ICC-SHS Immersion)