Get Adobe Flash player
Sunday, 23rd of September 2018
Home INFORMATION News Barangayan Program, Ginhawa sa mga Calaqueño

Barangayan Program, Ginhawa sa mga Calaqueño

barangayan-2018 lnm-01Lubhang ikinagalak ng mga residente ng Brgy. Lumbang na Matanda nang sila ang kauna-unahang barangay na binisita ng pamahalaang lokal upang maghandog ng karagdagang serbisyong pangkalahatan sa ilalim ng Nasa Nayon ang Serbisyo Barangayan Program ngayong taong 2018. Sa pangunguna ng butihing Mayor Sofronio “Boogle” Ona kasama si Vice Mayor  Renante Macalindong kabalikat Sangguniang Bayan members ng Calaca at mga departamentong may kinalaman sa frontline services, muling umarangkada sa paghahatid ng serbisyo ang pamahalaang lokal na naglalayong tugunan ang mga hinaing at pangangailan hindi lamang  ng mga residente ng Brgy. Lumbang na Matanda kundi pati na rin ang iba pang mga barangay sa Calaca sa pamamagitan ng paghahatid ng basic services ng LGU noong ika-1 ng Pebrero. 

barangayan-2018 lnm-02Mahigit kumulang 409 na residente ng Brgy. Lumbang na Matanda ang dumalo at nakaisa sa nasabing programa. Ang opisina ng Municipal Health ay nakapagtala ng kaukulang bilang na 146 sa medikal, 21 sa dental, 2 sa libreng tulian at 30 sa pagpapalaborataryo. Nabigyan din ng libreng mga gamut at bitamina ang mga bata na nagpakonsulta nang araw na iyon. May 25 mamamayan ang kumuha ng bagong sedula mula sa Municipal Treasurer’s Office at isang (1) kliyente ang naitala ng Local Civil Registry. Samantala, nakapagbigay naman ng assorted seeds ang opisina ng Municipal Agriculture Office na may kabuuang bilang na 160 katao. Anim (6) na masuwerteng residente din ang nabiyayaan ng limang (5) sakong organic fertilizer at isang (1) knapsack sprayer sa pagsali sa isinagawang raffle ng nasabing opisina. Bukod pa rito may mga nanalo din ng mga household items nang araw na iyon. barangayan-2018 lnm-03Naghatid din ng serbisyo ang MSWDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng manicure at pedicure na may bilang na 18, 48 sa libreng gupit at 37 katao naman sa libreng masahe. Naghanda rin ng arroz caldo si Bb. Clara A. Vergara (Municipal Nutrition Action Officer) upang pagsaluhan ng mga bata at senior citizens bahagi ng supplementary feeding program ng MSWDO. Nakipag-ugnayan rin ang PNP sa pangunguna ni PCI Jose O. Naparato, Jr. sa mga Barangay Tanod at LUNAS Kapayapaan volunteers upang bigyang kaalaman ang mga ito sa pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan sa barangay.

Ang barangayan program ay nagsisilbing   tulong upang magabayan at masuportahan ang kapwa Calaqueño sa magandang kalusugan, tiyak na impormasyon sa Agrikultura, Social Welfare at masaganang kinabukasan sa hinaharap. Ani nga ng ating butihing Mayor Boogle Ona, “Be the Best that you can Be!” /Ric Benedict Bathan (ICC-SHS Immersion)

 barangayan-2018 lnm-04  barangayan-2018 lnm-05

Last Updated (Wednesday, 14 February 2018 14:44)