Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News Programang TRIONA, Muling Umarangkada!

Programang TRIONA, Muling Umarangkada!

triona-2018Siyam (9) na barangay na may 3,577 na kabahayan ang nabiyayaan ng tig-tatlong (3) namumungang kahoy sa ilalim ng TRIONA Tree Planting Program ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca na ginanap mula ika 15-18 ng Enero 2018 sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor kasama ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Boogle C. Ona.

Tumanggap ng may kabuuang 10,731 mga puno ng lanzones, avocado, rambutan, langka at guyabano ang mga mamamayan ng barangay Bambang, Niyugan, Putingkahoy, Timbain, Madalunot, Lumbang na Bata, Coral ni Bacal, Lumbang na Matanda at Puting Bato East. Unang inilunsad ang programa taong 2015  na naglalayong mabigyang pansin ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na magbibigay ng  sariwang hangin at masaganang bunga para magkaroon ng sapat at masustansyan pagkain ang lahat. Ayon kay Mayor Ona, sa susunod na taon, tig-siyam (9) na namumungang kahoy na ang ipapamahagi sa bawat sambahayan upang higit na maramdaman ng mga mamamayan ang magandang resulta ng programang ito. Tagubilin ni Municipal Agriculturist Alicia A. Cabrera na nawa’y alagaan ng mga tagapakinabang ang mga puno kagaya ng pag-aalaga sa kanilang mga anak at apo upang magbunga ito ng maayos at mapakinabangan pagdating ng araw.