Get Adobe Flash player
Wednesday, 18th of October 2017
Home INFORMATION News MAYOR BOOGLE ONA, Dangal ng Bayan Awardee

MAYOR BOOGLE ONA, Dangal ng Bayan Awardee

mayor-boogle dangal-ng-bayanIsang malaking karangalan sa sambayanang Calaqueño ang pagkahirang sa ama ng Bayan ng Calaca, Mayor Sofronio Manuel C. Ona bilang kaisa-isang halal na opisyal ng gobyerno sa buong region IV na binigyan ng pagkilala ng Civil Service Commission bilang Dangal ng Bayan sa ginanap na Honor Awards Program (HAP) awarding ceremony sa Luxent Hotel, Quezon City noong ika-11 ng buwan ng Setyembre 2017.

Aniya ang parangal na kanyang natanggap ay patunay lamang na tama ang kanyang mga desisyon sa pamamalakad sa bayan ng Calaca. Magsisilbi din itong inspirasyon upang higit pang mapagbuti ng mga opisyal at kawani ang kanilang commitment sa public service. Ang prestihiyosong parangal ay ibinase sa Republic Act No. 6713, otherwise known as Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan nakapaloob ang eight norms or behavior na inaasahan sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan kabilang dito ang Commitment to Public Service, Professionalism, Justness and Sincerity, Political Neutrality, Responsiveness to the Public, Nationalism and Patriotism, Commitment to Democracy and Simple Living. Base sa assestment ng Civil Service Commission, ang alkade ay nagpakita ng katangi-tanging katangian sa mga nabanggit na eight norms kung kaya’t nahirang sa nasabing award.