Get Adobe Flash player
Wednesday, 18th of October 2017
Home INFORMATION News Calaca Film Camp, Pribilehiyo ng Estudyanteng Calaqueño

Calaca Film Camp, Pribilehiyo ng Estudyanteng Calaqueño

calaca-film-campDalawang araw na sumailalim sa pagsasanay sa ilalim ng programang Calaca Film Camp ang 94 na mag-aaral mula sa siyam (9) na junior at senior high schools (public at private) kasama ang kanilang mga adviser na ginanap sa Training Room ng gusali ng Lokal na Pamahalaang Bayan noong ika-16 at 17 ng buwan ng Setyembre na pinangunahan ng Municipal Information Office katuwang ang Mayor’s Office at DepEd Calaca District.

Inilunsad ang Calaca Film Camp upang bigyan ng kasanayan at kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa paggawa ng maikling pelikula bilang paghahanda sa nalalapit na CALACAtchara Film Festival sa pagdiriwang ng ika-13 taon ng CALACAtchara Festival sa buwan ng Oktubre. Nagsilbing resource speakers ang mahuhusay na director, cinematographer at actor na sina Domcar Lagto, Geraldleo Laurio at Renerio Concepcion. Sa loob ng dalawang araw, binigyan ang mga nagsanay ng kaalaman sa pagpili ng topic o tema ng pelikulang gagawin, pagsulat ng istorya o pagpili ng lokasyon ng pelikula (shooting) pagpili ng mga actor, pag-arte, pag-eedit, at paglalapat ng musika.

Lubhang naging kapana-panabik sa mga mag-aaral ang paggawa ng isang minutong pelikula na isa-isang ipinakita ng bawat School for critiquing.

Malaki ang pasasalamat ng DepEd ayon sa pahayag ni Dr. Anabel R. Marasigan (Dist. Supervisor) sa pag-sponsor ng Lokal na Pamahalaan sa nasabing training sa paggawa ng maikling pelikula.