Get Adobe Flash player
Saturday, 16th of December 2017
Home INFORMATION News KAB Iskawts ng Calaca, Wagi sa Kawan Holiday

KAB Iskawts ng Calaca, Wagi sa Kawan Holiday

kab-iskawts-calaca kawan-holiday 02Pinatunayan ng mga Kab Iskawts ng Calaca District ang kanilang kahusayan sa matapos hakutin ang kampeonato sa Kawan Holiday na ginanap sa Calaca District noong Agosto 25 - 26, 2017.

Isang nakakapanindig balahibong pagtatanghal ang ipinamalas ng mga kab iskawts na nakaantig  sa damdamin ng  mga manonood nagbunsod ito upang nasungkit ng Calaca District ang kampeonato sa Kab Palabas at nakuha ang award bilang best head gear at best hand props. 1st runner up ang Lemery District, 2nd runner up ang San Nicolas District at 3rd runner up ang Sto. Tomas District. Nagwagi din si Karim Mico A. Macalindong  bilang champion sa search for That’s My Kab.


kab-iskawts-calaca kawan-holiday 01Buong suporta ang ibinigay ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Boogle C.Ona at mga kasamang halal na opisya sa pagdaraos ng okasyon sa pamamagitan ng presensya ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagsesguro ng kaligtasan, kalusugan, katahimikan at kaayusan sa loob ng dalawang araw. Dumalo rin si Vice Governor Nas C. Ona na aktibo sa larangan ng iskawting.

 

 

 

 

 

 

Last Updated (Thursday, 12 October 2017 09:35)