Get Adobe Flash player
Saturday, 16th of December 2017
Home INFORMATION News Farming Inputs, Equipment at Fishing Supplies, Kaloob ng DA at LGU

Farming Inputs, Equipment at Fishing Supplies, Kaloob ng DA at LGU

farm-inputs 01Nabiyayaan ang limang organisasyon ng mga magsasaka ganun din ang 109 na magsasaka at mangingisdang Calaqueño ng iba’t ibang gamit sa pagsasaka at pangingisda mula sa mahigit tatlong milyong halaga ng programa na magkakasamang inilunsad ng Department of Agriculture national, regional at local government sa ginanap na pamamahagi sa Lokal na Pamahalaan ng Calaca na pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor noong ika-2 ng Agosto 2017.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang 1 traktora, 2 corn shellers, 1 tea brewer (kagamitan sa  paggawa ng liquid fertilizer mula sa vermi cast), 1 shredder,  2 motor engines, organic fertilizers, drying nets, sprayers, foliar fertilizers, nets, headlights, petromax, hook & line, squid jiggers at life vests.

farm-inputs 02Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca sa nasabing tanggapan sa pagpupunyagi ni Gng. Alicia A. Cabrera, Municipal Agriculturist. Naglalayon ang programa na matulungan ang mga magsasaka at mangingisdang Calaqueño na mabigyan ng sapat na ikabubuhay para sa pamilya.