Get Adobe Flash player
Saturday, 16th of December 2017
Home INFORMATION News Libreng TESDA Training, Biyaya sa CALAQUEÑO

Libreng TESDA Training, Biyaya sa CALAQUEÑO

tesda-graduationSa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalalaan ng Calaca, na pinamagitanan ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa Technical Skills Development Authority (TESDA) ay matagumpay na nakapagtapos sa libreng pagsasanay sa iba’t iba kasanayan ang isang daan at pitumpong (170) mamamayan ng Calaca noong ika-19 ng Hulyo, 2017, ika-9:00 ng umaga sa Calaca Gymnasium. Ang nasabing Community Based Training ay napapaloob sa BOTTOM-UP Budgeting Program ng DILG. 

Pinagyaman ang nasabing pagtatapos sa pagdalo nina Punong Bayan Sofronio Manuel C. Ona,kasama ang Sangguniang Bayan, mga kinatawan ng Paaralan na nagsagawa ng pagsasanay at lalo at higit sa pagdalo ni OIC- TESDA Regional Director Gerardo Mercado.

Ayon sa tala ng ginanap na Community Based Training, limampu (50) ang nagtapos sa Electronics Products Assembly and Servicing (EPAS) National Certificate II (NCII) sa ilalim ng pagsasanay ng First In Electronics Training Center (FILTC) samantalang animnapu (60) sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI ng Top Global Skills Manpower Development Center Inc. at animnapu (60) rin sa Automotive Servicing NCII ang nagtapos sa pagsasanay na ginanap sa Western Batangas Training Center. Ang mga nagsipagtaspos ay binubuo ng iba’t ibang sector na mula sa apatnapung Barangay ng Calaca at malaking bahagi nito ay mga kabataan na ‘di napagtapos ng pag-aaral bunga ng kawalan ng interest na pumasok sa formal schooling o walang kakayahan na maipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng MSWDO sa TESDA at sa mga paaralang nagsasagawa ng pagsasanay upang matugunan ang pangangailangan ng mga Calaqueno sa iba’t ibang kasanayan kung kaya’t ang nasabing tanggapan ay bukas para sa mga gustong magaral sa Domestic Refrigeration and Air-conditioning Servicing (DOM/RAC) NCII, Automotive Servicing NCII, EPAS NCII and Pipefitting. /Louie Gutierrez