Get Adobe Flash player
Saturday, 16th of December 2017
Home INFORMATION News 43rd Nutrition Month Celebration

43rd Nutrition Month Celebration

nutrition-month-2017 01Ang Buwan ng Nutrisyon ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo taon-taon upang bigyang atensyon ng publiko ang kanilang nutrisyon na may gabay sa tema. Sa taong ito, binigyang halaga ang healthy diet upang maiwasan ang iba’t ibang sakit at masulusyunan ang problema sa nutrisyon. “Healthy Diet, Gawing Habit for life” ang nilunsad na tema ngaung 43rd Nutrition Month Celebration.

Bilang pakikiisa ng Bayan ng Calaca sa nasabing pagdiriwang, nagkaroon ng District 1 Cooking Contest sa pangunguna ng Provincial Nutrition Committee noong nakaraang July 11, 2017 sa Municipal Gymnasium na nilahukan ng mga Barangay Nutrition Scholar mula sa iba’t-ibang bayan mula sa Unang Distrito na kinabibilangan ng Taal, Lemery, Calaca, Nasugbu, Calatagan, Balayan, Lian at Tuy. Nagpasiklaban ang mga kalahok sa presentation ng kani-kanilang mga recipe gamit ang napakasustansyang ampalaya.

Dumating ang mga bisita mula sa Provincial Health Office na kinabibilangan nina Mrs. Cynthia Lacaba, NO IV/DNPC, Mrs. Divine Bauan NO III/DNPC, Mrs. Gigi Perez NO III/DNPC at Ms. Janelle Clarete NO I/DNPC. Nagsilbing mga hurado ang ilan sa mga miyembro ng Provincial Nutrition Committee Technical Working Group na sina Carlota C. Abrarigue-Nutritionist-Dietitian II – PHO Batangas, Princess Bagot –Planning Development Officer I – PPDO, Batangas, Jose Doroteo Demesa – LGOO II, DILG Batangas and Sonia M. Garcia – Home Management Specialist II – DA Batangas.

Nagwagi sa nasabing Cooking Contest ang Bayan ng Lian na itinampok ang kanilang “Cordon Bleu Ampalaya”. Ang nasabing entry ng Bayan ng Lian ay siyang mag-rerepresent sa District 1 sa Grand Cooking Challenge na gagawin sa culminating activity ng Nutrition Month Celebration ng Lungsod ng Batangas.

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Nutrition Month, nagsagawa ng Dance-Aerobics Competition ang Bayan ng Calaca noong July 21, 2017 sa Municipal Gymnasium na nilahukan ng iba’t ibang participants mula sa mga barangay, mga barangay captains, Barangay Health Workers, Day Care Workers and Barangay Nutrition Scholars. Naging tampok na bisita ang Punong Bayan na si Hon. Sofronio Manuel C. Ona, Pangalawang Punong Bayan Hon. Renante Macalindong, Ginang Divina Bauan - NO II/DNPC ng Provincial Health Office at marami pang iba.

nutrition-month-2017 02Nagsilbing mga hurado sa nasabing dance-aerobics competition sina Ms. Janelle Clarete- NOI/DNPC ng Provincial Health Office, Ms. Criselle Daysa ng Salinas Food at Mrs. Buena Gracia Sabay. Naging napakasaya at makulay ang nasabing patimpalak na nilahukan ng mga overweight at obese na mga kababaihan sa mga barangay. Sa huli at tinanghal na kampeon ang Cluster 4 na kinabibilangan ng Niyugan, Lumbang na Matanda, Lumbang na Bata, Baclas, Tamayo, Bambang at Bisaya at Putingkahoy. Ang Cluster 1 naman na kinabibilangan ng Poblacion 1-6 ang hinirang na 1st Runner-up at Cluster 3 na kinabibilangan ng Sinisian, Caluangan, Puting Bato East, Puting Bato West, Talisay, Dila at Coral ni Bacal ang nag uwi ng 2nd Runner-up.

Bago magtapos ang buwan ng Nutrisyon ay nag-uwi din ng parangal ang Municipal Nutrition Committee ng Calaca sa natapos na Nutrition Month Celebration ng Lalawigan ng Batangas bilang 3rd Runner-up Outstanding Municipal Nutrition Committee, 3rd Runner-up Outstanding Municipal Nutrition Action Officer para kay Bb. Clara A. Vergara at 4th Runner-up Outstanding Barangay Nutrition Scholar para kay Ginang Carina P. Atienza ng Barangay Puting Bato East, Calaca, Batangas. Ito ay bagamat hindi na

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang isang buwang pagdiriwang ng Nutrisyon sa Bayan ng Calaca. Patunay lamang ito ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang bayan sa lahat ng mga programa at proyekto na naglalayon na maitaas ang antas ng nutrisyon sa ating bayan. /Clara A. Vergara,MNAO

 

Last Updated (Friday, 04 August 2017 16:29)