Get Adobe Flash player
Friday, 18th of August 2017
Home INFORMATION News Summer Youth Camp 2017

Summer Youth Camp 2017

summer-youth-camp-2017Naging matagumpay ang ginanap na Summer Youth Camp 2017, sa Patciano’s Resort Manggas II, Alfonso, Cavite noong ika-June 23-24, na dinaluhan ng 100 na kasapi ng Calaca, Pag-asa Youth Association(PYA) mula sa iba’t ibang barangay ng Calaca na pinangunahan ng Municipal Social Welfare & Development Office sa pamumuno ni Gng. Maharani Babasa, MSWDO katuwang ang mga kawani ng nasabing tanggapan.

Ang nasabing activities ay naglalayong bigyang pansin ang mga pangangailangan ng mga kabataang napagkaitan ng pagkakataon na makapag-aral. Kaugnay nito, iba’t ibang group activities, workshop at talakayan ang ginanap na pumaloob sa temang Self-Awareness, Self-Confidence and Gender Sensitivity na magkakaroon ng malaking bahagi sa pagpapa-unlad ng kanilang sarili upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Pinamunuan ni G. Rodel Gutierrez ang Spiritual Enhancement Activity na sinundan isang Bon fire.

Ang Pag-asa Youth Association ay samahan ng mga Out of School Youth ng Calaca na binuo upang mabigyang pansin ang kanilang mga  pangangailangan at makabuo ng mga programang tutugon dito.

Kasunod nito, nagkaroon ng halalan ng pamunuan ng nasabing samahan kung saan nahalal si Jay Gaa bilang pangulo samantalang si Aron De Gala ang Pangalawang pangulo gayundin sina Aaron Benedict Digno, Maricris Riosa at Emanuel Jesmark Merenio ay nahalal bilang Kalihim, Ingat- yaman at Tagasuri ayon sa pagkasunud- sunod.

Inaasahan at iba pang makabuluhang aktibidades at proyekto   para sa mga nasabing kabatan sa mga darating pang panahon.