Get Adobe Flash player
Saturday, 16th of December 2017
Home INFORMATION News “Si Tatay at Ako”, Tampok sa ERPAT DAY!

“Si Tatay at Ako”, Tampok sa ERPAT DAY!

si-tatay-at-akoIpinakita ng mga tatay at ng mga anak nila kung gaano katalentado ang mga mamamayan sa Bayan ng Calaca sa larangan ng pag-awit. Isinagawa ang programang “Si Tatay at Ako” sa pagdiriwang ng ERPAT DAY (Empowerment Reaffirmation of Paternal Abilities) kung saan nagtagisan ng galing sa pag-awit ang mga tatay kasama ang kanilang mga anak.

July 14, 2017 araw ng Biyernes nang ginanap ang nasabing programa sa Calaca Multi-purpose Gymnasium, ganap na ika-8 ng umaga. Walong (8) magkakatunggali ang nagpasiklaban sa ibabaw ng entablado. Unang sumabak dito ang mag-amang sina Menandro at Melvin Lasheras ng Taklang Anak, Reynaldo at Princess Matalog ng Puting Kahoy, Redentor at Mary Jane Redo ng Coral ni Bacal, Zaldy at Noel Catibog ng Makina, Celso at John Mikko De Padua ng Cahil, Elmer at Vea Endaya ng Niyugan, Roger at Jojo Macatigbac ng Matipok at panghuli sina Pablo at Rose Marie Catambay ng Salong. Bumilib ang mga huradong sina Mr. Rodel Gutierrez, Mr. Deovic Ontangco at Atty. Alvin Landicho sa ipinakitang husay at galing ng mga nagtanghal. Bagamat nahirapan nang lubos ang mga nasabing hurado ay matagumpay pa rin nilang napili ang tatlong (3) pinakamagagaling na mang-aawit mula sa walong (8) kalahok. Tinanghal na kampeon ang mag-amang nagmula sa Brgy. Puting kahoy na sina Reynaldo at Princess Matalog na nagkamit ng walong libong piso (₱8,000), sumunod sina Pablo at Rose Marie ng Brgy. Salong na nagkamit ng limang libong piso (₱5,000) at pumanghuli naman sina Elmer at Vea ng Brgy. Niyugan na nagkamit ng tatlong libong piso (₱3,000).

Pinangunahan ni Mr. Daniel Malapitan (ERPAT Focal person) kasama ang mga miyembro ng ang nasabing samahan  sa pamamatnubay ni Mrs. Maharani BG. Babasa, MSWDO. Buo ang suporta nina Mayor Sofronio Manuel C. Ona, Vice-Mayor Renante L. Macalindong at ng Sangguniang Bayan na silang unang sumaksi sa pagtatanghal ng mga kalahok. Isinulong ang nasabing programa bilang pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga huwarang ama na nagsisilbing haligi at pundasyon ng matatag na pamilya. /Jim Jomarc M. Ontangco

Last Updated (Monday, 24 July 2017 09:39)