Get Adobe Flash player
Thursday, 20th of July 2017
Home INFORMATION News Heneral Eleuterio G. Marasigan, muling Pagkilala

Heneral Eleuterio G. Marasigan, muling Pagkilala

ka-terio-2017 01Muling binigyan ng pagkilala ng Bayan ng Calaca ang katapangan at kahusayan ni Heneral Eleuterio G. Marasigan, isang Batangueño na kinikilala bilang isang dakilang bayani na nakipaglaban sa mga dayuhan para sa kasarinlan at kapayapaan ng bansang Pilipinas.

Kasabay nito ang pagdiriwang sa ika-151 taong paggunita sa araw ng kapanganakan ng naturang bayani noong Mayo 23, 2017, araw ng Martes na pinangunahan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona, Vice-Mayor Renante Macalindong at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at maging mga kawani ng lokal at nasyunal na tanggapan sa bayan ng Calaca. Binigyang tugon din ng mga kaanak ng heneral ang paanyaya mula sa Lokal na Pamahalaan kabilang sina Dr. Meinrado Marasigan Martinez, Judge Antonio M. Rosales, Marlon M. Hernandez, Jose Marasigan, Norma Ilagan, Sofronio Marasigan at Roneth Andal. Matapos ang pag-aalay ng banal na misa para sa heneral ganap na ika-6 ng umaga, sinundan ito ng isang maikling programa ng pagpaparangal na ginampanan nina Executive Assistant Ruperto P. Noche, Jr, Vice-Mayor Renante Macalindong at Mayor Sofronio Manuel C. Ona na malugod na tinanggap ni Dr. Meinrado Marasigan Martinez, isa sa mga apo ng heneral at kagyat na sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa kinatatayuan ng bantayog nito.

ka-terio-2017 03Itinampok ang CALINGAPLAYA bilang pag-alala sa mga nagawa ng naturang bayani sa pamamagitan ng pangangalaga ng kapaligiran. Sinimulan ang nasabing programa sa panunungkulan ni Vice-Governor Sofronio Nas C. Ona, dating punongbayan ng bayan ng Calaca. Ayon nga kay Dr. Meinrado Marasigan Martinez, “Ang paglilingkod sa bayan ay isa nang kabayanihan” bagay na dapat isaisip ng bawat tao tungo sa kapayapaan. Lubos naman ang pasasalamat niya sa mga Ona, sa pagbibigay pugay sa kanyang Lolo, bagamat unang pagkakataon pa lang niya nasaksihan ang naturang programa.


ka-terio-2017 02Tumungo naman ang mga lumahok sa coastal clean-up sa kani-kanilang mga designated areas matapos ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng Heneral. Kabilang sa mga lumahok ang mga kawani ng mga LGU, mga kumpanya at establisyemento na nasasakupan nito, mga civic at people’s organizations, religious organizations, kooperatiba at DepEd Calaca. Maging ang mga opisyales at mamamayan ng coastal barangays ay sumuporta rin sa pamamagitan ng paglilinis sa kani-kanilang mga barangay.

 

 

 

Last Updated (Wednesday, 07 June 2017 09:48)