Get Adobe Flash player
Tuesday, 21st of November 2017
Home INFORMATION News Tulong Pinansyal, Iniaabot sa Mabini at Tingloy

Tulong Pinansyal, Iniaabot sa Mabini at Tingloy

tulong-pinansyal-sa-lindol 01Iniaabot ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang tseke na naglalaman ng halagang Php300,000.00 at Php200,000.00 bilang tulong pinansyal sa mga bayan ng Mabini at Tingloy na lubhang naapektuhan ng nagdaang lindol noong ika-3 at ika-8 ng Abril ngayong taon. Personal na tinanggap nina Ma. Lourdes Garcia (Mun. Treasurer) at Ma. Remedios Castillo (Mun. Budget Officer) sa Bayan ng Mabini at Leizen Magadia (Asst. Mun. Treasurer) sa Bayan ng Tingloy  mula sa punumbayan ang nasabing mga halaga mula sa Bayan ng Calaca noong ika-18 ng Mayo 2017 na naganap sa Tanggapan ng Punongbayan.

Ang pagbibigay ng tulong pinansyal ay bilang tugon sa liham ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer-OIC Sherwin Comia sa Sangguniang Bayan noong Abril 11, 2017 na humihiling upang makapagpasa ng isang resolution na nagbibigay pahintulot sa punumbayan na makapagbigay ng tulong sa nasabing mga bayan na nasa ilalim ng state of calamity upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan.

tulong-pinansyal-sa-lindol 02Agad na nagpulong ang Sangguniang Bayan ng Calaca upang balangkasin ang Resolution No.17-44 sa pamumuno ni Kon. Ma. Vicenta L. Vidal at mga kasama sa Committee on Finance, Budget and Appropriation at nabigyang tugon ang nasabing kahilingan. 

Malaki ang pasasalamat ng dalawang bayan na tumanggap ng tulong pinansyal mula sa bayan ng Calaca dahil sa malaking katulungan nito sa pagsasaayos ng kanilang bayan na nakaranas ng malaking pagsubok dulot ng kalamidad.

Last Updated (Wednesday, 07 June 2017 09:35)