Get Adobe Flash player
Friday, 26th of May 2017
Home INFORMATION News Fire Safety Seminar, Paghahanda ng LGU

Fire Safety Seminar, Paghahanda ng LGU

fire-safety-seminarBilang paghahanda sa mga sakunang ‘di inaasahang mangyayari sa komunidad, nagsagawa ang bagong talagang Hepe ng BFP-Calaca SFO3 Rio G. Balilo at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office – OIC Sherwin R. Comia ng isang half-day Training-Seminar on Disaster Preparedness and Fire Safety na ginanap noong ika-1:00 ng hapon, Mayo 5, 2017 sa Training Room, Municipal Hall, Calaca, Batangas. Nailahok ang 57 kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Calaca sa nasabing Training-Seminar.

Sa pangunguna ng nabanggit na hepe ng mga tanggapan, malinaw na naipaliwanag at naisagawa ang mga gawaing naaayon sa paksang tinalakay. Bagamat maikling oras lamang ang ginugol sa naturang Training-Seminar, marami pa ring aral ang nakuha sa pamamagitan ng aktuwal na pagpapatay ng apoy sa drum gamit ang fire extinguisher at fire truck. Pinagtuunan ng pansin ang paggamit ng fire extinguisher dahil karaniwan itong nakikita sa mga gusali. Pursigido ang nasabing mga tanggapan na ipaabot sa kinauukulan ang ganitong mga pagsasanay lalo na sa mga establisyemento at kumpanya sa nasasakupan ika na ng kasabihan “’di bale ng manakawan, ‘wag lang masunugan”. /Jim Jomarc M. Ontangco-CDIC