Get Adobe Flash player
Monday, 24th of July 2017
Home INFORMATION News MBO CUP Season 4, Aabangan!

MBO CUP Season 4, Aabangan!

mbo-cup-s4 01Binuksan ang Mayor Boogle Ona Cup season 4 na nagtatampok sa paligsahan sa larangan ng basketball noong Abril 8, 2017 ganap na ika-2 ng hapon sa Municipal gymnasium na pinangunahan ni Kon. Emilyn D. Alcazar, SB Chair. on Youth & Sports Development katuwang ang tanggapan ng Liga ng mga Barangay at Tanggapan ng Punungbayan.

Ibinida sa opening ceremony ang 59 na koponan mula sa tatlong dibisyon ng laro mula  sa orihinal na 17 below at 18 above ng north at south divisions ay nadagdag ang 12 below division na isa sa pinakainaabangan ng marami. Nagbukas ang liga sa pamamagitan ng isang parade na pinangunahan ng mga halal na opisyal ng bayan kasama ang nabanggit na mga koponan na may kanya-kanyang muse na nag-represent sa kani-kanilang team.

mbo-cup-s4 02Nagulat man ang lahat dahil sa magkasunod na malakas na lindol, hindi pa rin sila natinag sa pag-aabang sa mga tampok na kaganapan gaya ng pagrampa ng mga mutya at ang intermission numbers na inihandog ng Spot Life artist at FHM Babies.

Sa huli idineklara ang mga nanalong koponan sa best in uniform na nakuha ng Bagong Tubig – 12 below, Salong – 17 below & 18 above (South) at Puting Kahoy – 17 below & 18 above (North). Nahirang na best muse ang mga sumusunod: Pob.4 – 18 above (South), Pantay – 18 Above (South), Salong – 17 Below (South), Pantay – 17 below (North) at Salong – 12 below.

Matapos ang pronouncement of winners, agad nagsalpukan ang mga koponang nabunot na maglaro sa araw na iyon. Regular na mapapanood ang liga tuwing araw ng Martes-Linggo, simula ikatlo ng hapon sa municipal gymnasium.

mbo-cup-s4 03

Last Updated (Thursday, 18 May 2017 14:35)