Get Adobe Flash player
Friday, 18th of August 2017
Home INFORMATION News RPN CUP 2017, Tapos na!

RPN CUP 2017, Tapos na!

rpn-cup-2017 01Pagkaraan ng tatlong buwang bakbakan sa court, matutunog na hiyawan at kantyawan ,  nagtapos ang  kauna-unahang Admin Ruperto P. Noche, Jr. Inter-Department Volleyball/Basketball League noong ika-6 ng Abril 2017 matapos ang tunggalian ng PNP Double Barrel at Second Floor All Stars na napagwagian nang una. Sa iskor na 96-83 nasungkit ng koponan ng PNP ang kampeonato sa larangan ng basketball. 1st Runner-up ang Second Floor All Stars, 2nd Runner-Up-Ground Floor Defenders at 3rd Runner-Up-Calaca City. Nakuha ng Market Enforcer ang Sportsmanship award, ang  Best Coach ay iginawad sa PNP Double Barrel, Mythical 5 sina Arvin Mercado-Calaca City, Geoffrey Macalalad - Ground Floor Defenders, Joel Villavicencio-Second Floor All Stars, PO2 Jayson De Guzman at PO1 Eliezer Magsumbol ng  PNP Double Barrel. Finals MVP-PO1Jowell Santarin at MVP- PO1Eliezer Magsumbol.

rpn-cup-2017 02Sa larangan ng Men’s Volleyball, tinanghal na kampeon ang  DepEd Secondary, 1st Runner-Up-Calaca City, 2nd Runner-Up – PNP Double Barrel at 3rd Runner-Up ang DepEd Elementary.

rpn-cup-2017 03Napataob ng mahuhusay na manlalaro ng DepEd Elementary sa Women’s Volleyball team ang DepEd Secondary dahilan upang makuha ng una ang kampeonato at 1st Runner Up ang huli matpos ang kanilang huling paghaharap, 2nd Runner Up ang Ground Floor Defenders at 3rd Runner Up naman ang Second Floor All Stars.

Sa kabuuan, naging masaya at kapana-panabik ang bawat laro na nagdulot ng kaba sa bawat koponan subalit hindi matatawarang saya sa mga manonood.