Get Adobe Flash player
Friday, 18th of August 2017
Home INFORMATION News Calaca MHO, RHU Kinilala sa Husay

Calaca MHO, RHU Kinilala sa Husay

calaca-mho-rhu-recognition-2017Kinilala si Dr. Marjolyne Sharon V. Ona bilang Best Municipal Health Officer sa lalawigan ng Batangas sa larangan ng kahusayan sa paggamot, pangangalaga at pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan sa pagpapagaling ng mga mamamayang maysakit na tuberculosis.

Ginawaran din ng plake bilang  parangal (Plaque of Recognition as Municipality with Highest Case Detection Rate for ALL FORMS and Treatment Success Rate – Population 50,000 – 99,000 in the Implementation of the Tuberculosis Control Program in Batangas)  sa idinaos na  World TB Day celebration sa Hotel Ponetfino, Batangas City noong Marso 16, 2017 na pinangunahan ng Provincial Health Office.

Layunin ng pagdiriwang na na  higit na pagbibigay halaga sa kalusugan, kampanya sa pag-iwas sa paninigarilyo at pagpapababa ng kaso nang nagkakaroon at namamatay sa sakit na Tuberculosis (TB). /Hazel Manalo - RHU