Get Adobe Flash player
Monday, 24th of July 2017
Home INFORMATION News Carrera de Paso 2017

Carrera de Paso 2017

carrera-de-paso-2017 01Matinding pagsasanay, wastong nutrisyon at pag-aalaga, pokus at determinasyon ang sandata upang magwagi sa karera ng mga kabayo hila ang tiburin na kinalululanan ng hineteng nagmamando kung gaano kabilis pa ang kailangan bago marating ang finish line. Ganito ang senaryo sa taunang Carrera de Paso sa bayan ng Calaca na ginaganap tuwing Miyerkules Santo na natapat noong ika-12 ng buwan ng Abril 2017. Ang karera ay idinaos sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Dacanlao sakop ng bayang ito.

Isang motorcade ang binigyang daan na nilahukan ng naggagandahang cow girls hudyat ng pormal na pagbubukas ng okasyon na kagyat na sinundan ng pagtutunggali ng mga kabayo. Pabilisan ng takbo at unahang makarating sa finish line ng hindi lumalabag sa mga itinakdang alituntunin ng may pakarera ang kailangang isaisip upang makamit ang premyong Php2000 at upang magkaroon ng pagkakataong umakyat sa panibagong level ng takbuhan at makapag-uwi ng karagdagang premyo samantalang Php1000 naman sa bawat kabayong  hindi nanalo at isang pagkakataon na muling lumaban sa karera. Sa kabuuang, nakapagtala ng 45 pares ng kabayong nagtunggalian para sa taong ito, pinakarami sa tala ng Carrera de Paso.

carrera-de-paso-2017 02Dinaluhan ang taunang karera ng mga bisita mula sa Pampanga, Maynila, Bulacan, Tarlac, Rizal, Laguna, Cavite at mga karatig bayan sa Batangas. Dumalo rin sa okasyon si Vice Governor Nas Ona na isa ring horse aficionado. Malugod na pinasalamatan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang lahat ng mangangarerang dumalo nang araw na iyon.

carrera-de-paso-2017 03Ang Carrera de Paso sa Calaca ay isang matandang kaugalian na nagsimula noong taong 1800 kung saan ang patron ng bayan na si San Raphael Arkanghel ay dinarayo ng maraming deboto upang magsimba tuwing Miyerkules Santo at pagkatapos nito’y matitipon ang lahat at magsisimula na ang karera ng kabayo na paso ang galawan na siyang pinagmulan ng tawag na Carrera de Paso.

 

Last Updated (Thursday, 27 April 2017 10:19)