Get Adobe Flash player
Friday, 23rd of June 2017
Home INFORMATION News 4 na Bagong LGU Service Vehicles, Binasbasan

4 na Bagong LGU Service Vehicles, Binasbasan

4-lgu-vehiclesBinasbasan ang apat (4) na bagong service vehicles ng Lokal na Pamahalaan matapos ang pagdaraos ng buwanang misa sa bahay pamahalaan noong ika-4 ng Abril 2017.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Joseph Rodem Ramos ang pagbabasbas kasama ang mga halal na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona. Nagkataon ding napapasyal ang mga opisyal ng bayan ng San Juan sa pangunguna ni Mayor Rodolfo Manalo sa bayan ng Calaca noong araw na iyon at nakibahagi sa seremonya.

Ang mga nabanggit na sasakyan ay kinabibilangan ng tatlong (3) units Crosswind na laang gamitin ng Sangguniang Bayan Office at Municipal Health Office at isang mini-dump truck para sa paghakot ng basura na nagkakahalaga at may kabuuang Php3, 671,450.00

Inaasahan na magpapabilis ang paghahatid ng serbisyo gamit ang mga bagong behikulo.