Get Adobe Flash player
Monday, 24th of July 2017
Home INFORMATION News Mamamayan ng Brgy. Quizumbing, Nagtapos sa ONA-RHP

Mamamayan ng Brgy. Quizumbing, Nagtapos sa ONA-RHP

ona-rhp-2017 quizumbingIsang masayang pagtatapos ang idinaos matapos ang tatlong linggong pag-aaral ng mahigit tatlong daang mamamayan ng Barangay Quizumbing na sumailalim sa Oryentasyon para sa Natatanging Abilidad ng Calaqueño-Reproductive Health Program ng Municipal Health Office na ginanap sa bulwagan ng nasabing barangay noong ika-20 ng Marso 2017 ganap na ika-1:00 ng hapon.

Ang pagtatapos ay dinaluhan ng mga opisyal ng bayan sa pamumuno ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at mga opisyal ng nasabing barangay sa pangunguna ni Kapt. Eric Atajar at siyempre ng mga tampok na magsisipagtapos sa bawat klase na kinabibilangan ng 186 graduates mula sa mothers’class, fathers’ class - 41, Out of School Youth Class -29 at Senior Citizens’ Class-45. Ang bawat klase ay nag-aral sa loob ng tatlong linggo ayon sa iba’t ibang klase. Binigyan sila ng wastong kaalaman ukol s iba’t ibang sakit at karamdaman, tamang pangangalaga sa kalusugan at  tamang nutrisyon ng bata, buntis at katatandaan. Itinuro din ang papel na ginagampanan ng mga ama bilang haligi ng tahanan, family planning, kahagahan ng kalinisan sa loob at labas ng tahanan, ang karapatan ng mga kababaihan at senior citizen at binigyang kabatiran din ang mga out of school youth ukol sa pre-marital sex, alcoholism at drug abuse.

Sa ginanap na pagtatapos tumanggap sila ng certificate at tig-dalawang kilong bigas para sa bawat graduate. Ang mga nagtapos ng may karangalan ay nakatanggap ng anim hanggang 10 kilong bigas at limang kilong bigas din ang ipinagkaloob na award para sa mga pamilyang nakakumpleto ng miyembro sa bawat klase.