Get Adobe Flash player
Friday, 23rd of June 2017
Home INFORMATION News Seminar-Workshop para sa mga Barangay Officials, Isinagawa

Seminar-Workshop para sa mga Barangay Officials, Isinagawa

barangay-seminar-workshopSa pagnanais na makasabay at higit na maging kaisa ang barangay sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Calaca, isinagawa ang “2-Day Seminar-Workshop on Barangay Administration and Legislation” na nilahukan ng mga Punong Barangay, Kagawad, Kalihim at Ingat-Yaman mula sa apatnapung (40) barangay ng Bayan ng Calaca. Ito ay ginanap sa Training Room, Municipal Hall, Calaca, Batangas sa magkakahiwalay na petsa mula Marso 7-17, 2017.

Hinati sa apat na clusters ang iskedyul ng apatnapung (40) barangay : CLUSTER 1 - March 7-8 (Poblacion 1, Poblacion 2, Poblacion 3, Poblacion 4, Poblacion 5, Poblacion 6, Madalunot, Puting Kahoy, Bagong Tubig, Lumbang Calzada), CLUSTER 2 - March 9-10 (Dacanlao, Pantay, Puting Bato East, San Rafael, Quizumbing, Camastilisan, Salong, Makina, Talisay, Sinisian), CLUSTER 3 - March 14-15 (Coral ni Lopez, Calantas, Cahil, Loma, Balimbing, Matipok, Timbain, Munting Coral, Puting Bato West, Taklang Anak) at CLUSTER 4 -March 16-17 (Tamayo, Bambang, Bisaya, Niyugan, Baclas, Lumbang na Matanda, Lumbang na Bata, Dila, Coral ni Bacal, Caluangan).

 Naging paksa sa dalawang araw na pag-aaral  ang Basics of Barangay Governance – G. Alberto Sandoval, MLGOO; Computation of RPT Share of Barangays – G. Eduardo S. Matalog (Municipal Assessor); Annual Investment Plan – G. Luisito M.  Manalo (MPDC); Barangay Budgeting – Gng. Eufrocina P. Macalindong (Municipal Budget Officer); Environmental Concerns – Bb. Rafaela Christy V. Balitustos (MENRO); Peace & Order / Anti-Illegal Drug & Criminality - PCI Jake Domingo III (Acting Chief of Police); at Basics in Local Legislation – G. Glenmore C. Padua (SB Secretary).

Ang ilang mga ordinansang ipinasa ng Sangguniang Bayan ay isa-isa ring tinalakay at ipinaliwanag ng Kalihim ng Sangguniang Bayan para sa mas epektibong implementasyon nito.

Nagkaroon rin ng pagsusulit sa ikalawang araw ng seminar- workshop at ginawaran ng ribbon ang mga kalahok na nanguna sa pagsusulit. 

Masasabing naging matagumpay ang dalawang araw na pag-aaral ng mga opisyales ng barangay batay sa kanilang mga feedbacks na ipinahayag. Subalit wika nga ng minamahal na Punong Bayan Kgg. Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona, mas maituturing na matagumpay ito kung ang lahat ng natutunan ay maiipatupad nang maayos sa mga barangay na nasasakupan.

Pagbati at pasasalamat sa mga taong naging kasangkapan upang ang seminar workshop na ito ay maisakatuparan. Pagbati at pagsaludo sa mga lecturers na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa mga kapwa-lingkod publiko, sa Pangalawang Punong Bayan Kgg. Renante L. Macalindong na siyang utak ng dalawang araw na seminar workshop, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sa Kgg. Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona sapagkat hindi ito magiging makatotohanan kung wala ang kanyang pahintulot at suporta. /Baby Arlyn P. Bautista (SSBO Staff)