Get Adobe Flash player
Wednesday, 18th of October 2017
Home INFORMATION News Binguhan sa Buwan ng Kababaihan

Binguhan sa Buwan ng Kababaihan

womens-month-celebration-2017 01Sa temang “WE MAKE CHANGE, WORK FOR WOMEN” binigyang pagkilala ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan sa pagdiriwang ng buwang ng kababaihan at itinampok ang Bingo Sosyal ang ginanap noong Marso 7, 2017 ala una ng hapon, sa Calaca Gymnasium na nilahukan ng humigi’t kumulang sa isang libong (1,000.00) miyembro ng pederasyon ng kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ng Calaca. Ang programa ay pinangunahan ni Mayora Catherine F. Ona, pangulo ng Municipal Women’s Coordinating Council sa bayang ito sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Social Welfare & Development Office na pinamumunuan ni Gng. Maharani G. Babasa, MSWDO at dinaluhan ng mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona.

womens-month-celebration-2017 02Ang nasabing Bingo Sosyal ay binubuo ng sampung (10) laro na kung saan sa bawat laro ay kailangang bumuo ng letra na mula sa salitang WOMEN’S DAY, ayon sa pagkasunod sunod nito, na may kaukulang gantimpala na mula Php7,000.00 at karagdagang Php1,000.00 sa bawat laro kung kaya’t  ito ay umabot ng Php15,000.00 sa ika-siyam na laro. Ang ika-sampung laro na punuan ay may grand prize na Php50, 000.00, kung saan dalawa ang nagwagi mula sa Barangay Bagong Tubig at Poblacion 4. 

womens-month-celebration-2017 03Gayundin sa pagitan ng mga laro, itinampok ang  pagtatanghal ng guest artists na sina Gem Cubil at Gino Padilla, kapwa kilalang artista ng bansa upang bigyang kasiyahan ang mga kababaihan at bilang pagkilala ng pamahalaang lokal sa kagitingan ng mga kababaihan at sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa paggabay at paghubog sa bawat pamilya sa  komunidad. /Ma. Luisa Guitierrez

womens-month-celebration-2017 04

Last Updated (Sunday, 09 April 2017 14:53)