Get Adobe Flash player
Wednesday, 18th of October 2017
Home INFORMATION News CALACA, Fully Functional LSWDO Awardee

CALACA, Fully Functional LSWDO Awardee

calaca-fully-functional-lswdoIginawad sa Calaca Municipal Social Welfare and Development Office ng DSWD ang pagkilala bilang isa sa Fully Functional Local Social Welfare and Development Office sa buong Pilipinas noong ika-14 ng Pebrero 2017 sa Alabang Muntinlupa City kalinsabay ng pagdiriwang ng ika-66 na taong anibersaryo ng Departamento, na dinaluhan ni Hon. Sofronio Manuel C. Ona at Mrs Maharani G. Babasa, Municipal Social Welfare and Development Officer.

Ang nasabing pagkilala ay nangangahulugan na ang kalidad ng serbisyong inihahatid ng nasabing tanggapan ay naayon sa mga pamantayan na hinihingi ng DSWD Memorandum Circular No. 16, series of 2014.

Naging batayan ng masabing pagkilala ang ginanap na functionality assessment noong Oktubre 16, 2016, kung saan masusing pinagaralan ang mga dukumento at tala sa nasabing tanggapan.  Binantayan at inobserbahan ang paraan ng pakikipagtalastasan ng nga kawani sa mga taong dumudulog sa tanggapan na nangailangan ng kanilang serbisyo. Kinapanayam din ang nasabing mga kawani upang alamin ang lawak ng kaalaman ng bawat isa sa mga programa at serbisyo na ipinatutupad ng tanggapan.  Gayundin binigyang- pansin ang paraan kung papano pinamamahalaan at binibigyan aksyon ang mga espesyal na kaso na kinasasangkutan ng mga bata, kabataan at kababaihan. Naging mahalagang bahagi din ang suporta ng lokal na pamahalaan sa nasabing tanggapan upang patuloy na makapaghatid ng epektibong serbisyo publiko. /Ma. Luisa L. Gutierrez