Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of September 2017
Home INFORMATION News Educational Assistance para sa mga Iskolar ng Bayan

Educational Assistance para sa mga Iskolar ng Bayan

ona-scholars-educational-assistanceNabiyayaan ng educational assistance ang 85 ONA scholar sa bayan ng Calaca sa ginanap na general assembly nito noong ika-22 ng Pebrero 2017 na ginanap sa gusali ng Lokal na Pamahalaan.

Ang assembly ay inorganisa ng Mun. Social Welfare & Development Office sa pamumuno ni MSWDO Maharani G. Babasa kung saan nakapailalim ang Ona Scholarship Program.

Pinangunahan ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona ang pamamahagi ng tseke na nagkakahalaga ng Php10, 000.00 para sa bawat isang iskolar ng bayan kasama ang kanilang mga magulang.