Get Adobe Flash player
Friday, 21st of July 2017
Home INFORMATION News BFAR Nagkaloob ng 2 Motor Boats

BFAR Nagkaloob ng 2 Motor Boats

bfar-2-motor-boatsDalawang motor boats mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ipinagkaloob sa mga mangingisda ng Barangay Talisay at Quizumbing sa ginanap na turn-over noong ika-21 ng Pebrero 2017  na ginampanan ni Mayor Boogle Ona kasama si Gng. Alicia Cabrera.

Sina Mauel Bulaclac ng Barangay Quizumbing at Edmar Laquian ng Barangay Talisay ang mapalad na nakatanggap ng gawa sa fiber glass na mga bangka. Kapwa miyembro ng Bantay-Dagat ang dalawang mangingisda.

Ang nasabing bangkang de-motor ay naipagkaloob sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Cabrera sa BFAR at inaasahang makapagbibigay ng dadgdag na kabuhayan sa mga tagapakinabang nito.