Get Adobe Flash player
Friday, 18th of August 2017
Home INFORMATION News Social Pensioner

Social Pensioner

social-pensioner1,023 Senior Citizens mula sa Bayan ng Calaca ang tumanggap ng Social Pension para sa unang kwarter ng taong 2017 na nagkakahalaga ng Php1,500.00 bawat isa mula sa DSWD sa ginanap na pamamahagi nito  sa covered court ng  Poblacion IV  noong Pebrero 21, 2017.

Ang Tanggapan ng MSWD na pinamumunuan ni Gng. Maharani Babasa (MSWDO) ang namahala sa pamamahagi ng salapi sa mga tagapakinabang katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman at Office of the Senior Citizen’s Affair (OSCA) na pinamumunuan ni G. Ruperto P. Noche, Jr.

Kabilang sa mga katatandaang nabigyan ng pension ay edad 77 taong gulang pataas, may iniindang karamdaman at may medical maintenance, walang pension mula sa anumang pampubliko o pribadong ahensya at tanggapan o suporta mula sa pamilya at kamag-anak, walang ikinabubuhay at nabibilang sa mga mahihirap sa lipunan.