Get Adobe Flash player
Friday, 21st of July 2017
Home INFORMATION News KASALANG BAYAN SA CALACA

KASALANG BAYAN SA CALACA

kasalang-bayan-2017 01Damang-dama ang pag-ibig sa Bayan ng Calaca sa ginanap na pag-iisang dibdib ng 69 na magsing-irog sa ika-13 taon ng Kasalang Bayan kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso na ginanap sa new activity site ng municipal hall compound ganap na ika-apat ng hapon.

Itinampok sa okasyon ang nakagawiang mass wedding tuwing Pebrero 14 kung saan 69 na couples ang ikinasal ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona  sa taong ito.

kasalang-bayan-2017 02Dumalo sa okasyong ang Prov’l Statistics Officer ng Philippine Statistics Authority-Batangas, Raul Maximo B. Tolentino na nagbigay ng mensahe ukol sa kahalagahan ng pagsasalegal ng pagsasama ng mag-asawa o pagpapakasal. Sumaksi din sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Renante Macalindong, mga pinuno ng lokal na tanggapan at mga magulang at ninong at ninang ng mga ikinasal.

kasalang-bayan-2017 03Sa saliw ng mga romantikong awitin inihandog ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, punung-puno ng pagsuyo sa isa’t isa  ang mga ikinasal na garden wedding ang tema. Tagubilin ni Mayor Boogle Ona na tumatayong ninong ng mga ikinasal “pahalagahan ninyo ang inyong pagsasama at patibayin ang pundasyon ng pagmamahalan, kung matibay ang inyong pundasyon kayo ay hindi magiging marupok sa pagdating ng mga pagsubok”.

Last Updated (Monday, 20 February 2017 10:05)