Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of September 2017

RPN Cup

rpn-cup-2017 01Isang masaya, kapana-panabik at masiglang sandali ang hatid ng pagbubukas ng kauna-unahang Admin Ruperto P. Noche, Jr. Cup 2017 na ginanap sa Calaca gymnasium noong Pebrero 3, 2017.

Sampung koponan ang nabuo sa pinagsama-samang puwersa ng  iba’t ibang ahensya at tanggapan  ng lokal, probinsyal at nasyunal ang nagpasiklaban sa nasabing liga. Kabilang sa mga ito ang Ground Defenders na binubuo ng mga tanggapan Mun. Treasury, Mun. Accounting, Mun. Assessor, Local Civil Registry, BPLO, CDIC, MSWD at Mun. Agriculture; All Stars naman ang tumutugon sa koponan mula sa second floor na binubuo ng Mun. Admin., Mun. Eng’g., Mun. Budget, MPDC, GSO, HRMO, Mun. Trial Court at COMELEC; Calaca City ang koponan mula sa third floor ng gusali ng Lokal na Pamahalaan na binubuo ng Mayor’s Office, Vice Mayor’s Office, Secretary to the Sangguniang Bayan Office, Sangguniang Bayan Office, Municipal Health Office, Mun. Disaster Risk Reduction Mgt. Office at DILG. Bumuo rin ng kanilang koponan ang Liga ng mga Barangay na tinawag na El Kapitan at nakilahok din ang PNP-Double Barrel, Cenro Calaca, Bureau of Fire Protection, Market Enforcers at DepEd (Elem. & Secondary).

rpn-cup-2017 02

rpn-cup-2017 03Ibinandera ng bawat koponan ang ipinagmamalaking muses mula sa dalawang categories (50 above & 30 below) sa ginanap na parade na agad sinundan ng maikling programa na kinatampukan ng mga mensahe mula kina Mayor Sofronio Manuel C. Ona at Vice Mayor Renante L. Macalindong ganun din mula sa Pambayang Tagapangasiwa, Ruperto P. Noche, Jr. kung saan ipinangalan ang nasabing liga at SB Committee Chair. on Sports and Youth Development, Coun. Emilyn D. Alcazar. Ayon sa alkalde “Ipinangalan ang ligang ito kay Admin Ruperto P. Noche, Jr. to signify or exemplify a person’s loyalty, dedication at lahat ng magagandang katangian that is expected to a local government employee. Dagdag pa niya, “ang layunin ng ligang ito is to develop unity and camaraderie as we move forward to the cityhood of Calaca”.

rpn-cup-2017 04Masigabong palakpakan at matunog na hiyawan ang pumailanlang sa pagrampa ng muses sa entablado upang hirangin ang best muse sa dalawang kategorya. Sa huli nagwagi bilang best muses sina Evelyn Reyes ng Ground Defenders (50 above category) at Diane Alcazar ng All Stars (30 below category). Nasungkit ng Ground Defenders ang panalo sa Best in Uniform Male/Female categories.

rpn-cup-2017 05Matapos ideklarang officially opened ang liga, agad nagbakbakan sa first game ang Ground Defenders VS. DepEd Elem. sa Women’s Volleyball na napagwagian ng huli sinundan ng Basketball games sa tapatan ng El Kapitan kontra Calaca City na napagwagian din ng huli at nagtapos sa labanan ng All Stars VS PNP Double Barrel na napagwagian nang una. Regular na mapapanood ang RPN Cup tuwing araw ng Lunes-Huwebes mula ika-lima ng hapon sa municipal gymnasium.

rpn-cup-2017 06

 

 

 

 

Last Updated (Tuesday, 14 February 2017 07:34)